Saturday , April 27 2024

Promoted sa PNP kakaunti lamang

Dragon LadyANO kaya ang dahilan, sa mahigit na 5,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP) ay 1,039 ang na-promote ang ranggo mula sa Chief Inspector, Senior Inspector, Police Commissioned Officers at Police Non-Commissioned Officers?

Nangangahulugan na almost wala pa sa 25 percent na mga aplikante para sa promotions ang hindi naisama.

***

Sadya bang mahina ang ating mga pulis o sadyang hinihigpitan nang todo ang promotion upang sa gayon ay hindi mapintasan ang mga opisyal ng PNP pagdating ng araw. Ipuwera mo pa rito ang mga may backer na opisyal, na hindi na yata maaalis sa kultura ng PNP.

PLUNDER CASE

KAY SEN. ENRILE TULOY

Matanda na pero tuloy pa rin ang kasong Plunder laban kay Senador Juan Ponce Enrile dahil ibinasura ng 3rd Division ng Sandiganba-yan ang apela ng dating Senador na ma-dismiss ang kasong plunder laban sa Senador. Inihain ng mga abogado niya ang Motion to Quash the Information dahil hindi raw sapat ang ebidensiya laban sa Senador.

***

Dahil may edad na ang dating Senador, abu-tan pa kaya niya nang buhay ang kasong kinasasangkutan niya dahil sa napakatagal na nito? Dahil mahuhusay ang mga legal counsel ni Enrile, iba’t ibang apela at kasagutan upang ma-delay ang desisyon sa dating Senador, baka patay na ang Senador e dinidinig pa ang kasong kinasasangkutan niya! Habang sina Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla ay nakabilanggo sa PNP Custodial Center.

Ang dalawa, medyo bata pa, maaabutan pa nila anoman ang sentensiyang naghihintay sa kanila!

***

Hindi naman kayang ubusin ng mahuhusay na abogado ang salapi ng tatlong Senador. Sa dami ng kinita nila na kasalukuyang  naka-invest sa iba’t ibang negosyo, mani-mani lang ang ginagastos ng tatlong Senador sa kanilang mga kinasasangkutang kaso. Si Enrile ay kasalukuyang malaya dahil sa pagpayag ng Korte Suprema.

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *