Friday , April 26 2024

Binoe, suportado ang pagbubuntis ni Kylie; Aljur, naghimutok sa announcement ng engagement

FINALLY umamin na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa pagbubuntis ng aktres. Nagpaplano na rin silang magpakasal. Pero may himutok si Aljur dahil pinangunahan daw sila ng management ni Kylie sa announcement na engaged na sila.

Pero magsasalita rin kaya agad si Aljur at lilinawin ang kalagayan ni Kylie kung hindi nag-post ang Vidanes Celebrity Marketing?

Dahil nasa tamang edad na rin si Kylie, isa lang daw ang payo ng kanyang ina na si Liezl Sicangco nang ipagtapat nitong buntis siya. Basta ‘wag daw ipalaglag ang bata.

Maayos din daw ang pag-uusap nilang mag-ama (Robin Padilla).

Nagsimula raw sa pag-aasawa ang usapan nila dahil may nagparating na kay Binoe na engaged na ito. “Anak, alagaan mo ‘yan,” ang reaksiyon daw ni Robin noong malamang magkakaapo na siya.

Sey pa niya kung handa na talaga si Kylie na mag-asawa, nandiyan lang siya kahit balitang hindi pa sila nagkakausap ni Aljur.

Tsuk!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *