Friday , April 26 2024

Kaylan tatapusin ang problema sa trapiko?

PUMASOK na ang taong 2017,  pero hanggang ngayon ay pa-tuloy pa rin ang kalbaryo ng taongbayan sa malalang problema ng trapiko sa Metro Manila. Halos pitong buwan na ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at ang problema sa usapin ng trapiko ay tila walang solusyon.

Masasabing walang ginagawang aksiyon ang pamunuan ng Department of Transportation para resolbahin ang problema sa trapiko. Normal na pangitain ang nagsisiksikan na mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA habang ang mga pasahero naman ay umaasang makararating sila sa kani-kanilang paroroonan.

Tila nilimot na ni Transportation Secretary Art Tugade ang kanyang pangako na tatapusin ang problema ng trapiko lalo na nang makumpirma na siya sa Commission on Appointments. Dedma na lang siya ngayon sa mga banat sa kanya ng mga taong araw-araw na lang dumaranas ng kalbaryo.

Kung tutuusin ang dami talagang sablay nitong si Tugade.  Kung hindi na niya problema ngayon ang kumpirmasyon ng CA, dapat pa rin siyang bugbugin sa mga batikos para tuluyang sibakin na siya sa puwesto ni Duterte.

Isama na rito ang maya’t mayang palya ng mga tren sa MRT na hindi rin naman niya masolusyonan.  Walang linggo o araw na hindi tumitirik o nagkakaaberya ang MRT. Kaya talagang magtitiis na lang ang commuters.

Puro daldal lang si Tugade at kulang na kulang sa aksiyon. Hindi na dapat pinatatagal pa ni Duterte si Tugade sa kanyang puwesto – sibakin na!

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *