Saturday , April 29 2017
Breaking News
You are here: Home / News / 2 patay sa truck vs motorsiklo sa Cagayan

2 patay sa truck vs motorsiklo sa Cagayan

TUGUEGARAO CITY – Patay ang dalawa katao sa banggaan ng truck at motorsiklo sa bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang sina Joey Balisi at Ryan Sonido, kapwa residente ng Solana.

Ayon sa mga awtoridad, nag-overtake ang truck na minamaneho ni Jerome Erjas sa isang sasakyan kaya niya nabangga ang kasalubong na motorsiklo na sakay ang dalawang biktima.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Sonido habang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas si Balisi.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top

Get Widget