Saturday , April 29 2017
Breaking News
You are here: Home / News / 19-anyos ex-con itinumba sa Pasay

19-anyos ex-con itinumba sa Pasay

PATAY ang isang 19-anyos bagong laya sa kulungan makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay City Police chief, S/Supt. Lawrence Coop, ang biktimang si Noel Maraya Jr., ng 12 Mars St., Arroville Sun Valley, Brgy. 198, Zone 20, ng nasabing lungsod.

Ayon sa pulisya, dakong 2:30 am, naglalakad ang biktima sa Sun Valley Drive, Brgy. 196, Pasay City nang biglang sumulpot ang mga suspek na lulan ng motorsiklo at pinagbabaril si Maraya.

Sinabi ni Sr. Supt. Coop, kalalaya pa lamang ni Maraya sa kasong robbery/snatching nitong Disyembre at dating sumuko sa Oplan Tokhang.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top

Get Widget