Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 tulak nadakma sa buy-bust
3 tulak nadakma sa buy-bust

3 tulak nadakma sa buy-bust

ARESTADO sa mga awtoridad ang tatlo katao na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Raniel Valones, hepe ng Sta. Maria PNP, ang mga suspek na sina Victoriano Antonio, Mae Aleli Engreso at John Michael Lugto, pawang residente ng Brgy. Pobacion, sa naturang bayan.

Ayon sa ulat ni Supt. Valones, naaresto ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ngunit nakatakas ang isa nilang kasama na si alyas Memot, residente ng Brgy. Guyong, Sta. Maria.

(MICKA BAUTISTA)

COMMENTS

About Micka Bautista

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved