Friday , April 26 2024

Hiro, isang taon nang nakatengga

KAHIT mag-iisang taon nang tengga at hindi pa nasusundan ang Little Nanay, naghihintay pa rin si Hiro Peralta na mabigyan muli ng bagong serye ng Kapuso Network bago matapos ang taon.

Nakausap namin si Hiro sa isinagawang birthday fans day ng Hiro Rangers sa pakikipagtulungan ng GMA Artist Center, Ysa Skin and Body Experts, at Olive C.

Ani Hiro, “Siguro bukod sa good health sa akin at sa pamilya ko, wish kong magkaroon ulit ng serye. Medyo matagal-tagal na rin kasi nang natapos ang ‘Little Nanay’ at wala pang kasunod.

“Ako naman kasi naghihintay lang kung ano ang ibigay sa akin, mabuti na lang may ‘Unang Hirit’ ako,” anang binata.

At kung mabibigyan siya ng bagong proyekto, si Kris Bernal pa rin ang gusto niyang makapareha. “Gusto ko si Kris kasi okey na ‘yung working tandem namin.

“Hopefully ako na sana makatrabaho ko uli siya sa susunod na proyekto,” giit pa ni Hiro.

MATABIL – John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *