Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Pagpapatalsik kay Digong
Pagpapatalsik kay Digong

Pagpapatalsik kay Digong

SA anyong People Power I ang malamang na ilunsad ng mga grupong nagnanais na patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Sasamantalahin ng nasabing grupo ang mga kontrobersiyang kinakaharap ng kasalukuyang administrasyon, at unti-unting paiigtingin ang sunod-sunod na kilos-protesta hanggang maabot ang isang pagkilos sa anyong insureksiyon para tuluyang pabagsakin si Duterte.

Sa isang dokumentong kumakalat ngayon, may direktang kinalaman ang US Central Intelligence Agency o CIA sa binabalak na pagpapabagsak sa gobyernong Duterte.

Mabigat ang rason ng US, kaya hindi mala-yong may katotohanan ang nasabing dokumento. Ilan sa mga kontrobersiya na kinakaharap ni Digong ang pagbatikos niya sa United Nations, sa European Union, at ang pagmumura niya kay dating US President Barack Obama.

READ MORE:  Motibo ni Fariñas

Sinundan pa ito nang pormal na pakikipag-ugnayan ng Filipinas sa China at Russia, at nang sabihin ni Digong na kinakailangan ng Filipinas na magkaroon ng independent foreign policy.

Gamit ang isyung extrajudicial killings, ang grupo ng mga kaliwa, dilawan, at simbahan ang mangunguna sa gagawing sunod-sunod na kilos-protesta laban kay Digong.

Ilan sa inaasahang malalaking pagkilos ng mga grupo ang paggunita ng Bonifacio Day sa Nobyembre 30 at International Human Rights Day sa Disyembre 10.

READ MORE:  Sinong BI official ang sisibakin?

Kung magiging matagumpay ang dalawang okasyong ito batay sa dami ng mga lalahok,  magiging hudyat ito para magtuloy-tuloy ang kanilang paglulunsad  ng mga pagkilos.

Dala-dala ang isyu ng EJK at Marcos burial, magiging masigasig ang mga grupo sa kanilang gagawing organizaing work kasabay ng kanilang ilulunsad na mga rally at demonstrasyon.

Pipilitin nila na maipinta sa taongbayan sa pamamagitan ng media ang mga negatibong katangian ng Duterte administration.

Sa tulong ng mayayamang negosyante, ang nasabing mga grupo ay magpapatuloy dahil sa financial support na ipagkakaloob bagaman hindi tuluyang lalantad ang mga negosyante para batikusin si Digong.

READ MORE:  Pasay City PNP demoralisado sa bagong hepe?!

Sa malaon at madali, malamang na lulutang ang mga armadong grupo na maaaring magbi-gay suporta sa mga kontra kay Digong. Panahon ang makapagsasabi kung hinog nang lumutang ang mga armadong grupo para sa inaasahang komprontasyon laban sa estado.

Hindi natin alam kung kailan maisasakatuparan ang pagpapatalsik kay Digong.  Ang alam lang natin, unti-unti at nag-uumpisa na ang ginagawa nila para tuluyang magtagumpay sa kanilang balakin.

SIPAT – Mat Vicencio

COMMENTS

About Mat Vicencio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved