Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pamangkin ni Drilon sabit sa grenade blast?
Pamangkin ni Drilon sabit sa grenade blast?

Pamangkin ni Drilon sabit sa grenade blast?

ILOILO CITY- Ang mismong pamangkin ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon ang pinaniniwalaang naghagis ng granada malapit sa bahay ng senador sa Brgy. East Baluarte, Molo, Iloilo City kamakalawa.

Ayon sa impormasyon, si Kitt Drilon Gregorio, lider ng Rampage Gang, ang nagpasabog ng granada sa Skate Park sa nasabing lugar, isang menor de edad ang sugatan at nasira ang isang motorsiklong naka-park sa lugar maging ang dingding ng kapitbahay ng senador.

READ MORE:  Kelot nandakma ng dibdib ng bebot sa Misa de Gallo (Tinuksong bading)
READ MORE:  Espina nagbitiw bilang PNP OIC

Si Kitt ay anak ng kapatid ni Sen. Drilon na si Eleanor Drilon–Gregorio, manager ng Government Service Insurance System (GSIS) Iloilo.

Samantala, pinabibilis ni Iloilo City Police Office (ICPO) Director Police, Senior Supt. Remus Zacharias Canieso ang imbestigasyon sa insidente na ang gang ang pangunahing suspek.

READ MORE:  Pia ‘di pa rin exempted sa tax — BIR

Ipinatawag ng mga awtoridad ang pamangkin ng senador upang kunan ng pahayag.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved