Friday , April 26 2024

Alma Moreno na-relax agad matapos mangapa sa acting comeback sa GMA’s “Tsupehero”

MAHIGIT dekada na ang nakalipas nang maging parte noon sa sitcom ng GMA-7 na “Da Boy and Da Girl,” nina late Rudy Fernandez at Rosanna Roces ang nagbabalik showbiz na si Alma Moreno.

Kaya sa comeback TV project niya na “TsuperHero” na pinagbibidahan ni Derrick Monasterio, aminado si Alma na nangapa talaga siya sa pag-arte lalo na sa first sequence ng mga eksena niya sa fantaserye na gumaganap siyang nanay ni Derrick.

“Nanganganay ako, medyo kinausap ko nga si direk (director nila sa serye na si LA Madridejos). Sabi ko direk medyo alalayan mo ako kasi medyo nawala ako nang matagal. Buti na lang medyo comedy ‘to, ‘di ba may pagka-comedy?”

“Okey naman, noong una, kasi unang sequence nininerbiyos ka, ‘di ba, nanlalamig ka. Pero na-relax naman ako, kaya okay na,” sabi ng veteran actress.

At masaya raw si Ness sa kanyang pagbabalik sa Kapuso network, “Masaya ako sa comeback ko sa GMA-7. Marami akong kaibigan dito and it feels so good to be back,” nangingiti niyang pahayag.

Samantala tungkol naman sa panganay na anak na si Mark Anthony Fernandez, kasama raw sa daily routine ni Alma na pagkatapos ng kanyang taping sa TsuperHero ay balik agad siya sa Pampanga para mabisita  si Mark, sa kulungan.

Siyempre hindi raw maganda ang situwasyon ng anak sa kulungan at hindi pa rin daw ito adjusted sa nangyari sa kanya kaya’t nangangailangan pa rin sila ng dasal para sa pagsubok na pinagdaraanan ng kanilang pamilya. Dagdag niya, mahirap kung sa mahirap ang situwasyon pero bilang ina ni Mark ay obligasyon niya ito.

Ang TsuperHero ay mapapanood simula ngayong Nobyembre pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA Grande.

Ang ina ay ina gyud!

RESTO NI CLAIRE DELA FUENTE DINUDUMOG
NG MGA PINOY AT FOREIGNER SA MACAPAGAL BLVD.

Tuwing tine-treat kami ng dinner ng classy singer-businesswoman na si Claire dela Fuente sa kanyang Claire Dela Fuente Grill & Seafood Place na located sa Seaside ng Macapagal Boulevard sa Roxas Blvd ay laging puno ang kanyang lugar at halo ang customer rito na mga Pinoy at foreigner.

Yes sa sarap ng lahat ng palutong food sa resto  ito ni Claire, kahit ang mga banyaga ay naa-appreciate ang Pinoy delicacies nila. At kahit pa yata ang mga taong walang appetite kapag natikman ang pagkain kay Claire ay magkakaroon sila ng ganang kumain. Tumatanggap pala ang amiga naming Diva ng anomang klaseng events na gustong idaos sa kanyang place at sinisiguro nila na babalik-balikan sila ng mga susubok.

‘Yun na gyud!

ISABEL GRANADA HINIRANG NA BEST OF THE BEST
CHAMPION SA CHALLENGE ACCEPTED SA EAT BULAGA

Kasabay ng Halloween episode ng Eat Bulaga noong Sabado na kontodo costume ang EB Dabarkads ay Weekly Grand Finals naman ng Challenge Accepted: Best of the Best!

Apat bale ang naglaban sa pahusayan sa iba’t

ibang challenge at sila ay sina Tanggong Grasa champion na si Isabel Granada, Mr. Diva champion Sef Cayadona, Mascot champion EB Babe Hopia at ang champion sa BasketBallroom na si Willie “The Thriller” Miller.

Kabilang sa 37 judges ang mag-asawa sa kalye-serye na sina Alden Richards at Maine Mendoza at ang napili nilang winner o champion na para sa kanila ay pinaka the best, na nag-perform ay walang iba kundi si Isabel Granada na talaga namang pagdating sa narrative dance sa saliw ng Tanggo ay hanep sa husay at galing. Tumataginting na P25,000 cash

ang naiuwing premyo ng dancer singer-actress na pambatong miyembro rin noon ng That’s Entertainment ng namayapang German Moreno.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *