Saturday , April 27 2024

Cannes best actress Jaclyn Jose proud sa kanyang ma’am Charo Santos

HINDI man nasungkit ni Jaclyn Jose ang Best Actress award sa recent QCinema Awards Night ay malaki naman ang laban ng movie niyang Ma’Rosa sa Oscar Awards. Pasok na sila sa Ten Best Foreign Language Category.

Kahit lima lang, puwedeng mapili ng Oscar sa nasabing kategorya ay masaya na raw ang Cannes Best Actress dahil napansin sila nang ilang dekada nang prestigious award giving body sa Hollywood.

Dagdag ni Jaclyn, so far ay hindi pa naman daw sila gumagastos sa pangangampanya, kaya kung susuportahan nang husto ay malaki ang tsansa nilang makapasok sa finalist at maging nominado.

Samantala sa interview kay Ms. Jose ay sinabi niyang proud siya sa kaniyang Ma’am Charo Santos (dating boss sa ABS-CBN) hindi lang sa husay nito sa Ang Babaeng Humayo kundi ang achievement ng movie nito with Direk Lav Diaz na nagwagi bilang Golden Lion o Best Film sa 73rd Venice International Film Festival.

Oo nga, kahanga-hanga naman talaga sina Ma’am Charo at Direk Lav dahil ang parangal na nakamit nila ang pinakamataas na award sa nasabing festival at malaking factor rin sa movie si John Lloyd Cruz sa pagganap bilang epileptic transgender.

Tunay na alagad ng mga sining gyud!

JAMES, JC NAGPAKATOTOO NA
SA KANILANG FEELINGS SA “TILL I MET YOU”

Tuluyan na ngang nagpakatotoo sa kanyang damdamin si Ali (JC Santos) matapos siyang mabisto ng kanyang ama tungkol sa tunay niyang pagkatao “Till I Met You.”

Samantala, inamin na rin ni Basti (James Reid)  ang kanyang intensiyon na muling ligawan si Iris (Nadine Lustre). Bumuhos ang matinding emosyon sa pag-amin ni Ali sa kanyang amang si Greggy (Robert Seña) nang aminin na siya ay bakla. Dahil sa galit at pagkadesmaya, pinalayas ni Greggy si Ali at sinabihang hindi niya ito matatanggap.

Sa kabila nito, agad sumaklolo ang mga kaibigan niyang sina Iris at Basti at sinamahan siyang harapin ang kanyang pinagdaraanan.Habang mabigat ang problema ng kanyang kaibigan, maganda naman ang nagiging kapalaran ni Basti ngayong nagkaroon na siya ng pagkakataong makilala ang pamilya ni Iris, pati na rin ang inang si Cassandra (Carmina Villarroel).

Upang maipakita na malinis ang kanyang hangarin, inamin niya kay Lolo Soc (Noel Trinidad) na nais niyang muling ligawan si Iris at ibalik ang kanilang pag-iibigan.

Ano nga ba ang gagawin ni Ali upang matanggap niya ang kanyang ama? Tuloy-tuloy naman kayang umayon ang kapalaran kina Iris at Basti? Huwag palampasin ang pamamayani ng tunay na pag-ibig sa “Till I Met You,” gabi-gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

TAMBALANG JOSHUA GARCIA AT KIRA BALINGER,
BAGONG INAABANGAN SA “THE GREATEST LOVE”

NADAGDAGAN na naman ng kilig ang hapon ng mga manonood sa pagbida ng pinakabagong tambalan nina Joshua Garcia at Kira Balinger sa ABS-CBN afternoon drama na “The Greatest Love.” Agad kinakiligan ng mga manonood ang unang pagsasama sa telebisyon nina Joshua at Kira na gumaganap bilang Z at Y.

Naging maganda rin ang pagtanggap ng netizens sa kanilang nakakikilig na mga eksena sa serye.

“Ngayon, nasa ‘getting to know each other’ stage pa lang kami. Pero mahaba pa ang tatakbuhin ng kuwento namin, kaya marami pang kulitan at kiligan ang dapat abangan ng mga manonood,” sabi ni Joshua.

Ibinahagi rin ng Kapamilya star ang kanyang tuwa sa patuloy na pagkokompara sa kanya sa multi-awarded actor na si John Lloyd Cruz. “Masaya ako, siyempre. Sino ba namang hindi matutuwa, John Lloyd na iyon e,” natutuwang sabi ng young actor.

Kaya naman, hindi rin maiwasan ng fans na bansagan ang love team ng dalawa bilang ang susunod na John Lloyd-Bea Alonzo tandem.

Samantala, malaking challenge naman para kay Kira, na una nang lumabas sa “The Story of Us,” ang kanyang role sa afternoon drama. “Sobrang laki ng adjustment kasi sa ‘The Story of Us,’ Inglesera ako doon. Ito namang role na ito, laking kanto, Tagalog na Tagalog. Pero para rin iyon sa growth ko,” saad niya.

Unti-unti ngang pagtatagpuin ng tadhana ang mga buhay nina Z at Y ngunit paano kaya makaaapekto ang kanilang umuusbong na pagkakaibigan sa buhay nina Gloria (Sylvia Sanchez) at ng kanilang pamilya?

Huwag palampasin ang hindi malilimutang kuwento tungkol sa pambihirang pagmamahal ng ina para sa kanyang mga anak sa “The Greatest Love”, tuwing hapon pagkatapos ng “Doble Kara” sa ABS-CBN or sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin ang past episodes ng programa sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/ thegreatestlovetv.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *