Saturday , April 27 2024

4 MMDA traffic enforcer suspendido sa kotong

SUSPENDIDO ang apat na traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa pangongotong sa ilang motorista sa mga lansangan sa Metro Manila.

Inirekomenda ng MMDA-Legal and Legislative Administrative Services na kasuhan ng administratibo ang mga suspendidong traffic constables na sina Crisaldo Lopez, Victor Santos, Mark Richard De Guia, at Resty Padel, bukod sa 90-day preventive suspension.

Huli sa closed circuit television (CCTV) camera ang pangongolekta ng pera sa isang motorista ni Lopez, regular employee ng Traffic Discipline Office, Southern Traffic Enforcement  District (TDO,STED) ng MMDA, sa MIA Road at Roxas Boulevard noong Oktubre 7.

Habang nakita sa video ang hindi pag-iisyu ng violation ticket at pakikipagnegosasyon sa hinuling mga motorista nina De Guia at Padel, kapwa nakatalaga sa EDSA Special Traffic and Transport Zone noong Oktubre 8.

Habang si Dexter Lucas, 43, nakatalaga sa MMDA Motorcycle Unit, ay naaresto sa pagbebenta ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Quezon City noong Oktubre 9.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *