Saturday , April 27 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Nasaan si Mayor Casimiro Ynares III ng Antipolo?

NAWAWALA ba si Mayor Casimiro “Junjun” Ynares III?!

‘Yan po ang tanong ng kanyang constituents.

Ikalawang termino na ito ni Mayor Junjun Ynares. Pero nagtataka ang mga residente kung bakit kahit anong oras nila puntahan si Mayor Ynares ‘e hindi nila natitiyempohan sa Mayor’s Office.

Sa madaling salita, laging wala si Mayor Ynares as in zero! Nada!

E ano ba talaga, Mayor? Nasaan ka ba talaga?!

Kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit butas-butas na naman ang mga kalsada riyan  sa Antipolo.

Hindi kaya alam ni Mayor Ynares na  nami-miss na siya ng mga constituent niya?!

100316-ynares-antipolo

Aba, Mayor, i-share mo naman sa constituents mo kung ano iyang pinagkakaabalahan ninyo?!

Mabuti na lamang at mayroon kang vice mayor Josefina “Pining” Gatlabayan na siya ngayong laging umiikot para kumustahin ang inyong constituents.

By the way, kumusta na po ang inyong anti-illegal drugs campaign sa Antipolo?!

May nangyayari ba?!

E parang tahimik na tahimik ang bayan ninyo laban sa droga?!

Walang nababalitaan na natotokhang?!

Attention, DILG Secretary Mike Sueno, puwede po bang paki-check ninyo kung ano ang nagyayari kay Mayor Junjun Ynares?!

DIGONG’S WAR ON ILLEGAL
DRUGS MAGTATAGUMPAY

081016 Duterte bato dela rosa

Isa tayo sa mga naniniwala na magtatagumpay sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga si Pangulong Rodrigo Duterte.

Isang dating drug user ang umamin sa inyong lingkod na mismong kanyang supplier ay wala nang makuhang illegal na droga.

Kung sa loob lang ng dalawang taon, naniniwala ang inyong lingkod na tuluyan nang maglalaho ang ilegal na droga.

Basta’t huwag lamang titigil ang Pangulo at si Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanilang kampanya.

Kung mismong ang mga supplier o drug pusher ay wala nang makuhang ilegal na droga, ano ba ang kanilang ititinda?!

Kaya mga suki, suportahan po natin si Pangulong Duterte sa kanyang giyera laban sa droga, dahil ang laban na ‘yan ay handog niya sa ating lahat.

Para sa kapayapaan at katahimikan ng bansa!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *