Friday , April 26 2024

9 katao tiklo sa ecstacy

NAKOMPISKAHAN ng 88 pirasong ecstacy at dalawang mineral water na may nakahalong pink na ‘gamot’ ang nahuling siyam katao, kabilang ang limang babae, sa buy-bust operation ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isang bahay sa Quezon City nitong Martes ng gabi.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Mylene Abellera, 36; Marcia Cunanan,19; Jennalyn Passion, 20; Ashly Fetalvero, 31; Charlene Tenefrancia, 22, Paolo Del Frado, 22; Miguel Padilla,19; Dale Carlo Pitogo, 22; at Kristian Albert Laddaran, 23-anyos.

Ang mga suspek na nakapiit sa detention cell ng Regional Anti- Illegal Drugs – Special Operation Task Group (RAID-SOTG) sa NCRPO headquarters saCamp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, ay nahuli sa bahay ni Abellera sa Victoria St., Talipapa, Novaliches, Quezon City dakong 8:00 pm.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *