Friday , April 26 2024
Drug test

Hair follicle drug test at blood test para sa celebrities

DAHIL sa kumakalat sa social media na hindi lang iilang entertainment celebrity ang gumagamit o lulong sa droga, mayroong pangangilangan na linisin nila ang kanilang sarili sa publiko.

Ang rason dito, dahil sila ay public figure at mayroong responsibilidad na maging huwaran sa publiko lalo sa kabataan. Alam natin, marami na rin ang nagsabing nagpa-drug test sa pamamagitan ng urine test at sila ay idineklarang drug-free.

Maraming netizens ang nag-react na parang dehins sila bilib o naniniwala sa resulta kuno nila. Pero kung seryoso talaga silang linisin ang kanilang sarili sa publiko, pinakamabuti siguro kung sila ay sasailalim sa blood test at hair follicle test para maipakita nila sa publiko ang history kung sila ay gumagamit o minsang nakagamit ng ilegal na droga.

Hindi naman natin pinagdududahan ang lahat pero marami talaga ang kumakalat na tsismis tungkol sa mga celebrity na gumagamit ng ilegal na droga.

Unsolicited advice lang sa mga natitsismis na celebrity, mas makabu-buting isumite ang sarili nila sa drug test sa dalawang paraan — blood test at hair follicle test para 100% at taas noo nilang mapatunayan na they are very well clean.

Maaaring ‘yung iba ay may mantsa pero matagal na panahon nang hindi gumagamit ng ilegal na droga. Mayroon namang akala natin ay very healthy pero magaling lang palang magdala kung paanong hindi mahahalata na sila ay nagdodroga.

At maaari rin ‘yung iba ay lulong na at kaila-ngan na talagang tulungan kung paano siya makawawala sa salot na droga.

Pick your choice people in entertainment circle. Maybe this is a chance for those who are really needed this procedure.

Save yourselves peeps!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *