Friday , April 26 2024

Romano, nagpayaman muna bago nagbalik showbiz

“EVERYBODY deserves a second chance.” Ito ang iginiit ni direk Maryo J. delos Reyes sa album launching ng nagbabalik na si Romano Vasquez.

“Si Romano, I was directing him noong panahong 90s and 2000. Sila ni Daniel Figueroa na biktima rin ng droga na ngayon ay nakalabas na sa Mariveles Mental Hospital. He’s now back to his family and trying to work,”ani direk Maryo sa Chicken Adobo album launching ni Romano na ginanap kamakailan.

Naikuwento ni direk Maryo na nakita niya si Romano noong panahong wasak na wasak ito (lulong sa droga). At sobrang ikinalungkot iyon ng director. ”Pumunta siya sa akin, basag na basag, sabi ko, ‘you better shape up’. Pinaalis ko siya, sabi ko, ‘I don’t want to see you that way, come back to me when you’re better. ‘Pag naayos mo ang sarili mo, you can come back to me and apply properly. But not ‘yang ganyang state’.  So, heto na siya ngayon, I want to help him, he’s under Production56 Incorporated (direk Maryo’s talent agency),” masayang pahayag ng premyadong director.

Nakatutuwa ngang makita na ang dating That’s Entertainment mainstay na si Romano ay nakaahon na mula sa madilim na parte ng kanyang buhay.

Ani Romano, nagpayaman muna siya para kung anuman ang mangyari sa kanyang career, may fallback siya kahit paano.

Sa totoo lang, ibang Romano na ang humarap sa amin kaya naman marami ang na-impress sa kanya kung paano na siya sumagot sa mga katanungan, gayundin sa positibong pananaw niya sa buhay ngayon.

Hindi ikinakaila ni Romano na dati siyang nalulong sa droga, sumadsad sa pinaka-ibaba pero ang mahalaga ay naibangon niya ang kanyang sarili at ngayon ay maganda na ang estado ng kanyang buhay.

Sa kuwento ni Romano, dumating siya sa punto na talagang walang pera, walang bahay, at nagmistula siyang taong grasa dahil sa pagkalulong sa droga.

“Nabarkada ako sa mga pusher, sa mga addict. Lahat ng naipundar ko naubos. So, dumating ako sa punto na hindi puwedeng ganito ako na walang-wala, kaya bumalik ako sa tatay ko. Sabi nga, wala kang ibang babalikan kundi pamilya mo,” sabi ni Romano.

At simula nang bumalik siya sa kanya pamilya ay nag-umpisa na rin ang kanyang suwerte nang ma-involve sa networking at entrepreneurship. Isa siya ngayong independent distributor ng JC Premiere Business International at opisyal ng international at local speaker-trainer ng kompanya.

Sa kabilang banda, pabor si Romano sa ginagawa ng gobyerno laban sa droga pero naniniwala siyang dapat bigyan ang lahat ng second chance kabilang na ang mga artista.

Hindi naman siya pabor na ilabas ang pangalan ng mga listahan at ng mga artistang gumaganap ng ipinagbabawal na gamut at nais niya’y kausapin muna ang mga ito o kaya ay isailalim sa rehabilitation.

Samantala, ang Chicken Adobo ni Romano ay inire-release ng Bellhaus Entertainment at ito’y may limang track kabilang ang carrier single niya na may pareho ring titulo.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *