Saturday , April 27 2024

3 katao bulagta sa drug operations

BUMULAGTANG walang buhay ang tatlong lalaki sa isinagawang anti-drug ope-ration ng Manila Police District (MPD) sa kasagsagan ng masamang panahon sa iba’t ibang lugar sa Maynila.

Ayon kay Senior Insp. Rommel Anicete, hepe ng MPD-Homicide Section, unang napatay ng mga ope-ratiba ng MPD-PS 10, ang mga suspek na sina Arnold Malinao, 43, miyembro ng Sputnik gang; at Romano Magundayao, 32, waiter, kapwa ng 1539 Fabie St., Paco, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, naganap ang insidente dakong 5:45 pm sa bahay ng mga suspek.

Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation sina Senior Insp. Jojo Sanguit at umaktong poseur buyer si PO1 Emerson Layug, sa unang palapag ng tinitirhan ng mga suspek ngunit nakahalata si Malinao dahilan para tumakbo paakyat sa bahay na hinabol ng mga pulis.

Pagpasok sa kanilang unit sa ikaapat na palapag, agad  pinaputukan ni Ma-ngundayao si SPO2 Luis Conderes ng .45 kalibreng baril habang tangan sa kabilang kamay ang isang gra-nada dahilan para barilin siya ni SPO2 Dennis Insierto na kanyang ikinamatay.

Nabatid na si Malinao ay una nang sumuko sa mga awtoridad nang magsagawa ng Oplan Tokhang ngunit tumangging sumuko si Ma-ngundayao na kilalang drug pusher sa lugar.

Dakong 11:20 pm nang napatay ng mga operatiba  ng MPD-PS 2 si Gallardo Pascual, 40, ng 3281 Int. 18, S. Teodoro St., Matang-tubig, Tondo, Maynila.

Pinaputukan ni Pascual ng kanyang .357 magnum si PO1 Greggie Bueno na umaktong poseur buyer nang makahalata na pulis ang katransaksiyon ngunit hindi tinamaan dahil nakapagkubli at nang gumanti ng putok ay tinamaan ang suspek na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

( LEONARD BASILIO )

About Ed de Leon

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *