Wednesday , May 15 2024

James, ‘di nakasipot sa launching ng libro nila ni Nadine

WALANG James Reid na sumipot sa nakaraang launching ng librong Team Real at DVD ng This Time sa Trinoma Activity Center noong Linggo.

Nasa Trinoma Mall ang mga kaibigan namin at kuwento nga nila ay punumpuno raw ang buong ground floor ng nasabing mall at hinahanap talaga si James.

Kaagad namang inanunsiyo ni Nadine na hindi makararating ang ‘hubby’ niya at hindi naman narinig ng mga kaibigan namin ang dahilan.

Bulong naman sa amin ng aming source, nagpapahinga raw si James dahil sobrang napagod ito.

Inisip namin na baka nasa taping ng Til I Met You, pero bakit si Nadine ay nakasipot sa nasabing launching?

Anyway, maski na wala si James sa launching ay maram pa ring bumili ngTeam Real book at This Time DVD with matching autograph pa.

Ano sa tingin mo Ateng Maricris, bakit hindi nakasipot si James?  Ano say ng source mo? (Ang alam ko talagang nakabakasyon si James itong buwan ng Hulyo—ED)

ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Robinhood Padilla Cup Mistah Shootfest

Mariel niregaluhan ni Robin ng baril

ni ALLAN SANCON NAGING matagumpay ang kauna-unahang The Robinhood Padilla Cup: 1st Mistah Shootfest na ginanap sa …

Blind Item, Men

Male starlet boytoy ng magkakaibigang bading

ni Ed de Leon TANGGAP na ng isang male starlet na siya ay boytoy na ng mga kaibigan …

KC Concepcion Sharon Cuneta

Sharon inamin ‘di nila pagkakasundo ni KC

HATAWANni Ed de Leon FINALLY inamin na ni Sharon Cuneta na mayroon nga silang hindi pagkakasundo ng …

Vilma Santos

Ate Vi muling pinatatakbo ng mga taga-Batangas, Ryan hinihikayat din

HATAWANni Ed de Leon TALAGA palang mahigpit ang petisyon ng mga Batangueno kay Ate Vi (Ms …

Leandro Baldemor

Baldemor uukitin bagong tropeo ng SPEEd’s The EDDYS 2024

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SIKAT ang mga Baldemor sa pag-uukit kaya malaking karangalan na ang seasoned …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *