Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Digong may pasabog sa SONA

Digong may pasabog sa SONA

071616_FRONT

POSIBLENG may matitinding mga pangalang babanggitin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang nakatakdang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 25.

Sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar, bahagi ito nang pagiging transparent ng presidente sa kanyang laban kontra ilegal na droga.

Gayonman, tumangging magbigay ng clue si Andanar kung sino-sino ang mga babanggitin ng Pangulo.

Abangan na lamang aniya ito sa Hulyo 25.

Dahil unang SONA ito ng Pangulong Duterte, sinabi ni Andanar na nire-review nila ang mga nakalipas na SONA ng mga naunang presidente at maging ng ibang lider sa ibang bansa dahil nais ng administrasyong maging “the best” ang kay Duterte lalo na pagdating sa produksiyon.
HATAW News Team

COMMENTS

About Hataw News Team

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved