Friday , April 26 2024

Kris, dumalo sa inagurasyon ni Robredo

00 fact sheet reggeeHINDI kailangan ang mga kapatid ni Presidente Noynoy Aquino sa Malacanang kahapon nang salubungin niya ang pagpasok ng bagong Presidente ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte kaya naman si Kris Aquino ay sa oath-taking ceremony ni incoming Vice President-elect Leni Robredo na ginanap sa Quezon City Reception House, New Manila dumalo kahapon ng umaga.

Tinanong kaagad si Kris ng mga taga-media na nasa okasyon kung bakit hindi siya pupunta ng Malakanyang pagkatapos. ”Hindi, si Noy lang. I think, ‘yun lang naman, ‘di ba? Kasi hindi naman kami asawa. Kapatid lang kami,” mabilis nitong sabi. Dugtong pa, ”No, I think, ‘di ba, if I’m not mistaken, hinahatid mo (ang outgoing president). Kasi, I think noong 2010, ‘yun din naman ang nangyari, eh. So, I think that’s protocol,” paliwanag pa ng ex-presidential sister.

Samantala, nag-post si Kris sa kanyang IG account kahapon ng 7:00 a.m. ng,”when I was praying last night, I thanked God for the memories we will treasure.

“What stood out in my heart was the opportunity to have been in the presence of @franciscus, attending His Mass w/ all other Filipinos who share our faith, and all the times Tito Noy made an extra effort to include Kuya Josh & Bimb.

“May God continue to bless President Duterte & Vice President Robredo, the success of our leaders is also the success of our country. MABUHAY ANG DEMOKRASYA! “

At habang nasa entablado si VP Leni ay nag-post uli si Kris ng, ”God bless you VP@lenirobredo,” at nagpa-picture rin silang dalawa pagkatapos ng oath-taking.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *