Friday , April 26 2024

Gen. Bato kinontra si Sarmiento (Sa 35 mayor-drug lords)

KINONTRA ni incoming PNP chief, Chief Supt. Ronald dela Rosa si outgoing DILG Sec. Senen Sarmiento kaugnay sa pahayag ng kalihim na walang ebidensya laban sa 35 mayor sa buong bansa na sinasabi ni incoming President Rodrigo Duterte, na sangkot sa illegal drugs operations.

Iginiit ni Dela Rosa, baka si Senen lamang ang hindi nakaaalam dahil alam na alam na ito ng mamamayan.

Samantala, sinabi ni Dela Rosa, palalabasin niya ang lahat ng mga pulis sa lansangan para magpatrolya laban sa kriminalidad.

Sinabi ni Dela Rosa, hindi na puwede ang mga pulis na nagtatambay at tulog lamang sa mga presinto.

Ayon kay Dela Rosa, nakatakda silang magpatupad nang malawakang balasahan para malagyan nang matinong station commander ang bawat presinto ng pulisya.

About Hataw News Team

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *