Saturday , April 27 2024

Kikay at Mikay, mapapanood na sa Field Trip

00 SHOWBIZ ms mSUPER excited at nag-enjoy sina Kikay at Mikay sa shooting ng unang pelikulang pagbibidahan nila na idinirehe ni Mike Magat, ang Field Trip.

Ani Mikay, “Super-saya at na-excite kami dahil on the way pa lang, sa bus ay start na ng shooting. Para pong nagpi-field trip talaga kami at masaya talaga dahil ang dami rin naming na-meet na bagong friends.”

Tamang-tama ang indie movie na ito sa tulad nilang bata dahil ang tema ay pang-estudyante.

“Bukod po riyan, may magandang aral na mapupulot sa pelikulang ito.  Sabi po ni Direk Mike, inspirational film ito at makare-relate ang mga parents sa mga anak nila. Ipakikita po kasi sa movie na  dapat suportahan ng parents ang mga anak sa dreams nila, lalo na po sa studies at mga pangangailangan nila,” sambit naman ni Kikay.

Nakatutuwa na finally ay nagbunga ang pagsisikap ang mag-pinsan. Puring-puri nga sila ni Direk Mike dahil walang angal sa puyatan kahit sunod-sunod ang shooting days nila sa Laguna.

Ayon kay Tita Mercy Lejarde, co-manager ng dalawa, lahat ng mga eksenang ipinagawa ni Direk Magat kina Mikay at Kikay ay puro take one.

“Gifted sila at kapag ganito ang acting na bata pa lang magaling nang umarte hindi sasakit ang ulo ng director. Congrats Kikay Mikay :)” ayon sa post ni Direk Mike sa Facebook account nito.

Kapwa contract artist ng Viva sina Mikay at Kikay na hindi lang sa pag-arte magaling, pati sa sayawan at kantahan ay puwede silang isabak. Mayroon silang five years contract sa Viva at kahit abala sa kanilang studies ay nabibigyan naman nila ng time ang pag-aartista dahil na rin sa gabay ni Mommy Dianne Jang, ina ni Mikay.

Ayon kay Mommy Dianne, balak ng dalawang bagets na sumali sa Goin’ Bulilit ng ABS-CBN na hindi naman imposibleng makuha dahil nga magaling kapwa ang dalawa. Actually, naging YouTube sensation nga ang mga ito na roon ipinakikita ang kanilang mga talent.

Dream ni Mikay na maging sikat na artista kaya pursigido siyang mahasa pa. Kinakarir niya ang kanyang workshops sa Center for Pop Music at sa New Discovery Castings Agency. Grade 3 na si Mikay at top three sa Katrina Solano Institute Learning.

Si Kikay (Chi Min Jang) naman ay napakatalino ring bata. First honor sa kanilang eskuwelahan kaya naman proud na proud ang kanyang very supportive mommy na si Dianne. Favorite singer ni Kikay si Sarah Geronimo.

Hilig talaga nina Kikay at Mikay ang showbiz at kitang-kita naman iyon sa dalawa kaya siguro hindi nagrereklamo ang dalawa at hindi kinakikitaan ng pagkapagod sa mga ginagawa nila.

“Gusto lang po kasi naming ipakita ang talent namin, kahit bata po kami, may ibubuga rin po. Marami po kaming mga video na sumasayaw, kumakanta at umaarte, marami po mga nag-like at comment, kaya nakatutuwa po. Mas lalo pa naming paghuhusayan para po mapasaya ang mga tao na gustong mapanood kami,” anang dalawang bata nang tanungin kung bakit gusto pa nilang mag-artista gayung well supported naman sila ng kani-kanilang magulang.

Goodluck Mikay at Kikay, for sure umpisa pa lang ang Field Trip sa mga pangarap ninyo.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *