Friday , April 26 2024

Kargang cement bulk ng barkong sumadsad sa Cebu kinuwestiyon ng NGO

KINUWESTIYON ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) ang sobrang pananahimik ni Cement Manufacturing Association of the Philippines (CeMAP) president Ernesto Ordonez sa sumadsad na  Panamanian-registered cargo vessel kamakailan sa pamosong dive spot Monad Shoal sa Cebu na sumira sa tatlong ektaryang coral reefs.

Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, pinalabas ng Philippine Coast Guard na cement clinker ang lulan ng barko pero ilang insider sa Bureau of Customs (BOC) ang nagbisto na cement bulk ang epektos na lulan ng sumadsad na MV Belle Rose sa Cebu.

“Kaduda-duda ang sobrang pananahimik ni Ordonez matapos ibistong miyembro ng CeMAP ang posibleng nagpupuslit din ng semento sa bansa at hindi ang local importers na inakusahan niya kamakailan ng technical smuggling,” ani Pineda.

“Sobra ang bigat ng kargang cement bulk kaya sumadsad sa bahura.”

“Bakit naglabasan sa mga ulat na cement clinker na raw material sa paggawa ng semento ang lulan ng MV Belle Rose gayong purong bulk cement ang totoong laman nito? At bakit biglang natiyope si Ordonez na ngawngaw nang  ngawngaw sa mga lokal na importer ng semento pero nagtetengang-kawali pagdating sa mga miyembro ng CeMAP?” tanong ni Pineda.

Ani Pineda, malinaw na sinisira ng CeMAP na kontrolado ng multi-national companies ang maraming lugar sa Filipinas pero winawasak din nila ang ating coral reefs kaya dapat nang ipatigil ni incoming Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez ang pagmimina ng semento sa bansa at  pagmultahin ang CeMAP officials sa patuloy na pagsira sa kapaligiran.

Kabilang sa malalaking importers ng semento at cement clinkers ayon sa NCL Trading Joint Stock Company  ng Ho Chi Minh, Vietnam ang mga miyembro ng CeMAP tulad ng Holcim, APO Cement at Republic Cement kaya malinaw na nadedehado ang mga lokal na negosyante na sinisiraan pa ng CeMAP.

“Nais ng CeMAP na tumigil sa pag-angkat ng semento ang local importers upang muling magkaroon ng shortage sa semento para lumobo ang presyo ng produktong ito. Ang dapat kay Ordonez, kasuhan ng local importers dahil unfair competition ang malinaw na taktika niya at ng CeMAP,” dagdag ni Pineda.

 

About Hataw News Team

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *