Saturday , April 27 2024

Charice kinuhang endorser ng sikat na clothing line sa buong mundo (At least may nagtiwala pa)

NAKAAPEKTO talaga nang labis sa career ni Charice, ang pag-come out niya bilang lesbian at pagkakaroon ng live-in partner na kapwa niya singer.

Bukod sa nawalan si Charice ng multi-million contract sa Hollywood at parehong tinalikuran na rin nila David Foster at Oprah Winfrey ay naging matumal na rin ang career ng Youtube sensation and international singer dito sa Pinas.

Kung may kumukuha man sa kanya ay madalang pa sa patak ng ulan. Mabuti na lang at sa kabila ng pagbagsak ng career ay may nagtiwala pa kay Charice na brand ng clothing line na sikat sa buong mundo.

Ginawa siyang celebrity endorser ng tinutukoy nating brand na Levi’s. Naka-post ngayon sa Facebook ang ad campaign ni Charice sa nasabing endorsement.

Well sana magtuloy-tuloy na ito gyud!

Wansapanataym Presents: Candy’s Crush (Loisa at Jerome may gayuma)

May bagong kakikiligan ang avid viewers ng Wansapantaym ngayong Linggo (June 26) at ‘yan ang pagbibidahang episode ng bagong tambalang Loisa Andalio at Jerome Ponce na Candy’s Crush.

Lubos ang sayang nararamdaman nina Loisa at Jerome sa malakas na suporta ng kanilang fans at Kapamilya Network sa kanilang first team-up.

“Masaya po ako at kinakabahan dahil first time ko po sa Wansapanataym. Basta ibibigay ko po ang best ko,” say ni Loisa.

“Ito po ay second chance upang mapatunayan kong may ibubuga po kami nang hindi kasama ang dati naming ka-love team,” dagdag ni Jerome.

Hindi iniisip ng dalawang Kapamilya stars ang kompetisyon kundi hangad lang nilang mapasaya ang mga manonood at mas gumaling pa sa kanilang pag-arte.

Gaganap si Loisa bilang si Candy, estudyanteng may pagtingin sa campus heartthrob na si Paolo (Jerome).

Dahil sa pagiging pabling, maraming babae ang sinasaktan niya. Upang makaganti gumawa ng love o magic potion si Candy kasama ang kaniyang kaibigang si Amanda.

Ngunit  nang inumin ni Paolo ang potion imbes kay Candy, kay Amanda umubra ang gayuma dahil siya ang unang nakita ng binata. Paano maaalis ang sumpa kay Paolo?

Ano ang dapat gawin ni Candy upang manumbalik ang lahat sa dati?

Kasama rin sa cast ng Wansapanataym Presents: Candy’s Crush sina Lara Quigaman, Erin Ocampo,

Michelle Vito, Amy Nobleza, Igi Boy Flores, Ruby Ruiz, Shey Bustamantem, Phiphi Palmos at Maria Isabel Lopez, mula sa panulat ni Noreen Capili at sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Huwag palampasin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa Candy’s Crush sa ABS-CBN-2 o ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167).

TRUMPETS CHALLENGE AT LOLA’S PLAYLIST NG EAT BULAGA PARAMI NANG PARAMI ANG VIEWERS

HINDI lang ang mga patok na segments ng Eat Bulaga na Hakot Pa More, Lucky Hakot Truck, Sugod Bahay Sa Barangay at Bayanihan of ‘Da Pipol ang nakaaagaw ng atensiyon sa Dabarkads viewers araw-araw mula Batanes hanggang Jolo.

Ang Lola’s Playlist ni Lola Nidora (Wally Bayola) at kasisimula pa lang sa Bulaga na “Trumpets Challenge.” Daily ay dalawang grupo ang maglalaban sa pagalingan sa paghataw ng pinasikat na dance moves nina Sak Noel at Salvi ft. Sean Paul na hit at viral sa social media.

Malaking cash prize ang puwedeng mapanalunan ng mananalong grupo at pasok na sila sa weekly finals. Pinakikilig naman ng young boy and girls ang mga lola, lolo, nanay, tatay atbp sa Lola’s Playlist.

Kinakantahan nila ang viewers ng old hits noong 60s at 70s at mapapabilib talaga sa mga bata dahil talagang carry nilang kumanta ng old songs sa mura nilang edad with matching choreography pa.

Ang daily winner ay tatanggap ng 20K at 50K naman para sa weekly winner ng Lola’s Playlist.

Happy pala ang buong EB Dabarkads dahil ang taas-taas ng ratings nila ngayon lalo na sa Mega Manila.

BACK TO BACK – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *