Friday , April 26 2024
blind mystery man

Disappointed sa career!

DATI, magarbo at maganda ang takbo ng career ng young actor. But he made the wrong career move of filing a suit against his mother studio when his contract was still ongoing.

Dahil dito, nabalagoong siya at matagal na hindi nakagawa ng projects.

These days, he’s slowly getting back on his feet and slowly recovering from the big blow to his career that his decision to go freelance had caused.

‘Yun nga lang, nag-suffer nang husto ang kanyang health dahil sa trauma na dulot ng kanyang pagkakamali.

Kung dati’y hunky at full of appeal siya, these days he appears to want of flesh and seems to become more introspective and a loner to boot.

Why is that so?

Well, mukhang disappointed siya dahil ang napunta sa network na kanyang puntirya ay younger brod niya at nagsisimula nang mag-taping sa mga guestings niya sa network.

Samantala, siya ay tipong nagbebenta ng mga kagamitan para lang masuportahan ang kanyang first venture bilang producer.

Ang sabi, naibenta na raw ang bahay niya at pati ang imported car niya ay kanyang naibenta na rin.

Kawawa naman.

Hindi niya kasi sukat akalaing magiging malaki pala ang expenses ng kanyang indie movie kaya napilitan siyang magbenta ng mga ari- arian since he is not purportedly that liquid.

Anyhow, I hope this project of his would turn out to be a veritable success.

Sayang naman ang na-invest niyang pagpapagod kung hindi rin lang naman ito kikita.

Sometimes, quality is not enough. The moviegoers are looking for that hard to define X factor in a movie.

‘Yun nah!

PAGOD NA SA MGA LALAKI

After her affair with Ahron Villena has ended, Cacai Bautista has moved on and seems to be at peace with the world.

When we bumped into her at the presscon of Conan My Beautician, sinabi niyang pagod na raw siya at gusto nang mag-move on.

Sang-ayon sa terrific performer na si Cacai, hindi lang daw siya masyadong maganda pero never siyang naghabol sa lalaki.

“Oo naman!” she asseverates. “Kahit itanong n’yo pa sa mga ex ko.

“Hindi lang ako masyadong maganda but I don’t chase them. I don’t like chasing men.”

Asked to comment about her ex Ahron Villena, hindi lang daw period ang inilagay niya kundi exclamation point pa. Hahahahahahaha!

“Let’s not talk about people who don’t matter anymore,” she avers. “A person who doesn’t want you in his life should be happy without you.”

One thing na natutuhan niya sa relasyon nila ni Ahron ay mahirap mag-fall sa isang lalaking mas bata compared sa ‘yo.

Magtatrabaho na lang daw siya at ia-avoid ang mga mhin dahil hindi naman daw sila ang priority niya.

“I can live without men!” she opines. “Hindi naman ako mamatay kapag nawalan ng lalaki.”

Well, looking at Kakai, mukhang okay naman siya.

“Dapat! ang ganda-ganda ko, noh! At ang yaman-yaman pa!”

Ganuned?

Anyway, obsessed siya kay Mark Herras sa Conan, My Beautician. Gagawin niya ang lahat para ma-hook ang lalaki kaya naman nagpunta siya sa Maynila.

Palabas na ito starting Sunday, June 26.

MARAMING SUPPORTERS SI SUNSHINE

Marami ang nagra-rally behind Sunshine Dizon’s back on her decision to sue her husband Timothy Tan.

Iritada talaga ang nakararami dahil sa supposed pangangaliwa ng guwaping na husband ni Shine.

Hurting ang kanyang fans at loyal followers dahil sa pagiging two-timer ng mister ni Sunshine gayong loyal naman daw ang anak ni Dorothy Laforteza sa kanya.

Kaya never raw niyang iga-grant ang hinihinging annulment ng kanyang mister.

Magdusa raw sila sa kulungan dahil never siyang maggi-give-in sa annulment proceedings na hinihingi ng kanyang mister.

Well, dapat lang naman because she’s given her very all to him and what he gave in return was something untakably unpleasant.

Lesson siguro ito sa mga two-timer para mag-second thought muna sila bago mangaliwa.

Kung mangangaliwa naman, dapat medya-medya lang and not to the point na iiwan ang asawa in lieu of the mistress.

‘Yun nah!

LJ REYES, WAGI SA URIAN!

Isa na namang Kapuso actress ang nabigyan ng karangalan sa larangan nang pag-arte. Kung nakuha ni Jaclyn Jose ang best actress award sa ginanap na Cannes Film Festival, iniuwi naman ni LJ Reyes ang prestihiyosong Gawad Urian Best Actress Award para sa pelikulang Anino sa Likod ng Buwan. Kahit sino ang tanungin, hindi nila maitanggi na kakaiba ang ipinamalas na pag-arte ni LJ.

Naging maramdamin din ang aktres sa kanyang acceptance speech dahil hindi niya naisama ang anak na si Aki sa nasabing awards night.

Sa kanyang Instagram post ay ibinuhos niya ang pagmamahal sa anak. “Thank you to my son, Aki, who is always my source of inspiration, motivation, joy, strength, love and so much more! I wanted to say his name last night but I might choke in tears! Naalala ko kasi that he wanted to come with me. Kaso may pasok na siya and I couldn’t let him sleep late. Sabi ko next time na lang. Kaya sana may next time so I can keep my promise to Aki! Na-feel bad ako na hindi ko siya napasama. I love you so much my dearest baby boy!”

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *