Friday , April 26 2024

3 patay sa masaker sa Kidapawan City

NORTH COTABATO – Tatlo ang patay sa nangyaring masaker dakong 10:20 p.m. kamakalawa sa Kidapawan City.

Kinilala ang mga biktimang sina Ruben Bagasin, 21, isang barbero; Wanito Gamboa, 25, at Francisco Sagayan, Jr., 36, pawang tricycle driver at residente sa Maldrid Subdivision, Brgy. Poblacion, Kidapawan City.

Ayon kay Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, nanonood sa telebisyon ang mga biktima sa bahay ni Bagasin nang biglang pasukin ng dalawang hindi nakilalang mga suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 pistola.

Agad binawian ng buhay ang mga biktima na tinamaan ng maraming bala sa kanilang katawan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng isang motorsiklo patungo sa isang liblib na lugar sa lungsod ng Kidapawan.

Malaki ang paniniwala ni Kidapawan chief of police Supt. Leo Ajero, posibleng may kinalaman sa ipinagbabawal na droga ang pagpatay sa mga biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.

About Hataw News Team

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *