Friday , April 26 2024

PE teacher, police trainee arestado sa 2 rape case

ARESTADO ang isang 25-anyos police trainee at PE teacher ng isang computer school sa magkahiwalay na kasong panggagahasa sa Valenzuela City at Parañaque City.

Sa Valenzuela City, ginahasa ang 13-anyos dalagita sa Valenzuela City kamakalawa ng madaling-araw ng suspek na kinilalang si PO1 Jasper Bulaon, residente ng 121 Arthur St., Brgy. Marulas, positibong kinilala ng Grade 8 pupil na si Miles.

Ayon kay Miles, naganap ang insidente dakong 3 a.m. nang matulog siya sa bahay ng kaibigan sa 3110 Gumamela St., Brgy. Gen. T. De Leon.

Salaysay ng biktima sa Valenzuela Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), imbitado sila ng kanyang kaibigan kamakalawa nang gabi sa Palo Alto St., Marulas at nakilala niya si Bulaon na inalok siyang uminom ng alak.

Nang makarami nang nainom na alak, niyaya sila ng kanyang kaibigan na si Jericho na magtungo sa kanilang bahay upang doon matulog.

Dakong 3 p.m. nagising ang biktima nang maramdaman na may humahalik sa kanya at sinasalat ang maselang bahagi ng kanyang katawan

Pumalag ang biktima ngunit wala siyang nagawa dahil malakas ang suspek hanggang mailugso ang kanyang puri.

Dakong 8 a.m., nang makauwi ang biktima ay hindi niya ipinaalam sa kanyang mga magulang ang ginawa sa kanya ng suspek kundi ipinagtapat niya ito sa kanyang boyfriend.

Bunsod nito, ipinaalam ng boyfriend ng dalagita ang insidente sa kanyang mga magulang na agad humingi ng tulong sa mga tauhan ng Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 3 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Samantala,  kasong qualified seduction at rape ang isinampa sa Parañaque City Prosecutor’s Office laban sa Physical Education (PE) teacher ng isang computer school, dahil sa ilang ulit na panghahalay sa 15-anyos niyang estudyante sa lungsod.

Kinilala ni Parañaque City Police chief, Senior Supt. Ariel Andrade ang suspek na si Kirk Patrick Ferrer, 28, ng Block 5, Lot 106, Garden City, Fortunate Village, Brgy. San Isidro ng nasabing lungsod, PE teacher sa STI and Universal College.

Gigil na gigil sa galit ang ina ng Grade 10 pupil nang magpang-abot sila ng inireklamong guro sa himpilan ng pulisya.

Base sa ulat ng pulisya, nahuli sa follow-up operation ang suspek na si Ferrer sa 7-11 convenient store sa Lopez Avenue, Brgy. San Isidro dakong 9 p.m. kamakalawa.

Ayon sa ulat, nangyari ang panghahalay noong Pebrero 20, 2015 makaraan imbitahan ng suspek ang biktima sa kanyang bahay na pinagbigyan ng dalagita dahil dati niyang guro at coach sa volleyball si Ferrer.

Pagdating sa bahay ng suspek, sapilitang hinalay ang biktima sa kabila nang pagmamakaawa sa lalaki.

Muling naulit ang panghahalay kaya nagsumbong na ang dalagita sa kanyang ina na agad humingi ng tulong sa pulisya at ipinaaresto ang suspek.

Rommel Sales/Jaja Garcia

About Hataw News Team

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *