Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Eula at Ryzza Mae bida uli sa bagong soap ng APT Entertainment
Eula at Ryzza Mae bida uli sa bagong soap  ng APT Entertainment

Eula at Ryzza Mae bida uli sa bagong soap ng APT Entertainment

TODAY, June 8, bale last three days ng “Princess In The Palace” sa ere at mukhang happy ending ang mangyayari kina Madam Leona Jacinto (Eula Valdez) at Col. Oliver Gonzaga (Christian Vasquez) lalo’t sweet na uli ang dalawa matapos makapag-bonding sa fiesta na pareho nilang dinaluhan kasama ang anak ni Leona na si Princess (Ryzza Mae Dizon).

Puwedeng sa kasalan na mauuwi ang lahat dahil seryoso si Oliver na ma-win back ang ex-girlfriend na si Leona na obyus na kinikilig pa rin kay Oliver at sa mga bigay na flowers.

Samantala ngayong tapos na ang termino ni Madam Leona bilang pangulo ng bansa, ang kapatid naman na si Rafael Jacinto (Marc Abaya) na naluklok bilang senador ang magpapatuloy sa paglilingkod sa bayan.

At good news sa lahat ng Leona-Oliver team dahil muling magsasama ang dalawa sa bagong morning soap ng APT Entertainment na “Calle Siete” at kasama pa rin dito si Aleng Maliit Ryzza Mae. Part din ng cast ang magandang host ng Eat Bulaga na si Patricia Tumulak, Lucky Mendoza, Takako atbp.

Mapapanood na ang Calle Siete simula ngayong Lunes, June 16 bago mag Eat Bulaga sa GMA-7.

 ANGELICA, KASABWAT SA BENTAHAN NG DROGA SA “FPJ’s ANG PROBINSYANO”

Abangan ang award-winning actress at “Hugot Queen” na si Angelica Panganiban na muling patutunayan ang galing sa pag-arte sa pagsabak niya sa nangungunang teleserye sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

READ MORE:  Hindi compatible!

Gaganap si Angelica bilang si Martha, isang babaeng sangkot sa lumalalang kalakalan ng droga sa bansa. Bukod kay Angelica, isang bagong karakter din ang dapat abangan sa pagpasok sa serye ng Kapamilya actress na si Nikki Valdez bilang si Analyn.

Hindi lang ang mga panibagong karakter ang dapat tutukan kung hindi maging ang mga maaaksiyong tagpo ng serye dahil ang ilan sa mga eksenang ipalalabas ngayong linggo ay kinuhaan sa Hong Kong.

Anong panganib nga kaya ang hatid nina Martha at Analyn sa buhay ni Cardo (Coco Martin)? Sila nga kaya ang tunay na kalaban ni Cardo?

Huwag palampasin ang maaaksiyong tagpo sa numero unong primetime teleserye, “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Puwede rin mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Unang teleserye ng ElNella mapapanood na!
JANELLA AT ELMO PATUTUNAYANG TOTOO ANG TADHANA SA “BORN FOR YOU”

Maging hadlang kaya ang buhol-buhol na nakaraan upang magkatuluyan ang dalawang taong itinadhana para sa isa’t isa?

READ MORE:  Nag-iilusyon pang babalikan!

Nakatakdang madagdagan ng kilig ang gabi ng mga manonood sa nalalapit na pag-uumpisa ng pinakabagong teleseryeng handog ng ABS-CBN at Dreamscape Television Entertainment, ang “Born for You” na pinagbibidahan ng tambalan nina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Gaganap si Janella bilang si Sam Kazuko, isang aspiring Pinay singer na lumaki sa Japan. Dahil sa kanyang pagiging hopeless romantic, naniniwala siya sa konsepto ng red string of fate na nagsasabing isang invisible string ang nagkokonekta sa dalawang taong itinadhana para sa isa’t isa.

Mapapanood naman si Elmo bilang si Kevin Sebastian, isang sikat na singer at anak ng OPM icon na nagpasikat  ng kantang “Born for You” na si Mike Sebastian (Ariel Rivera).

Bagama’t nasa rurok ng kasikatan, may hinaing si Kevin tungkol sa love at destiny dahil sa komplikadong relasyon ng kanyang mga magulang.

Ang hilig nina Sam at Kevin sa musika ang maglalapit sa kanilang dalawa, ngunit ito rin ang posibleng makasira sa kanilang umuusbong na pag-iibigan.

Isinulat ng ama ni Sam na si Buddy (Bernard Palanca) ang kantang “Born for You” para sa kanyang ina na si Cathy (Vina Morales).

Pero inangkin ito ni Marge (Ayen Laurel), anak ng may-ari ng isang sikat na record label, at ibinigay ang kanta kay Mike sa kagustuhang pasikatin at ibigin siya ng male singer.

READ MORE:  Ang Panday  ni Coco, lumabas na obra maestra kahit gawa ng baguhan at hindi kinikilalang maestro

Nagtagumpay si Marge sa kanyang mga plano matapos mapasikat at mapaibig si Mike. Nagbunga rin ang kanilang pagmamahalan nang kanyang isilang si Kevin. Ngunit sabay sa kanilang kasiyahan ang lubos na paghihirap ng pamilya ni Buddy matapos ang kanyang hindi inaasahang pagkamatay, dahilan para kay Cathy na tumungong Japan upang kumita ng pera para kay Sam.

Anong tadhana kaya ang naghihintay para kina Sam at Kevin? Paano makaaapekto sa kanilang kapalaran ang mga pangyayari sa nakaraan?

Maputol kaya ang invisible string na nagkokonekta sa kanila?

Kasama rin sa cast ng “Born for You” sina Gina Pareño, Freddie Webb, Jimboy Martin, Joj Agpangan, Francis Magundayao, Smokey Manaloto, Ogie Diaz, Katya Santos, DJ Durano, Alfred Labatos, Kyline Alcantara, Paulo O’hara, Neil Coleta, at Young JV.

Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Onat Diaz. Huwag palampasin ang pag-uumpisa ng teleseryeng magpapatunay na mayroong nakatadhanang tao para sa lahat, ang “Born for You,” malapit na sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Puwede rin mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyonde- mand.com.ph para sa Sky subscribers.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved