Friday , April 26 2024

Ilang Hashtags member, feeling superstar na

GUSTO ko ang ugali nitong baguhang Hashtags member na si Jameson Blake. Everytime na nakakasalubong namin ito, hindi niya nakalilimutan ang aming mukha. Bumabati ito sa amin. Hindi tulad nitong isa o dalawa o tatlo sa mga kasamahan niya na kahit ilang beses nang ipinakilala sa kanila hindi ka man lang lilingunin.

Nakakabuwisit lang dahil hindi pa man nakararating sa tagumpay na gusto eh kung umasta ang mga ilan sa kanila ay feeling superstars na.

‘Yan naman kasi sa showbiz, minsan, kung sino pa ang nakapaligid sa kanila, sila pa ‘yung nakalilimot magpaalala sa kanilang mga alaga na hindi dapat ganoon. Mahalaga kasi sa showbiz ang pagiging totoo at magkaroon ng lambing sa kahit sinong nakakasalamuha. Hindi ‘yung inakyat mong mag-isa ang tagumpay sa kukote mo kaya puro hangin ang nasa ulo. Hay naku.

At saka na kayo magyabang kapag may napatunayan na kayo. Ke bago-bago ninyo sa industriyang ito, hangin na kaagad. Hindi ba puwedeng dahan-dahan lang ni Maja Salvador muna ang kanta ninyo? Kalurks!

REALITY BITES – Dominic Rea

About Dominic Rea

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *