Saturday , April 27 2024

Cristine to Vivian — Tubig at langis tayo!

TATAKUTIN tayo nina Cristine Reyes at Jake Cuenca ngayong April 6 dahil showing ang pelikula nilang Elemento under Viva Films.

“Noong sinabi sa akin ng Viva na ‘o, gagawin mo na ‘yung movie ha, sisimulan mo na’. Gusto kong gawin dahil sabi ko, ang ganda ng script plus makakatrabaho ko ulit si direk Mark Meily. Pero sabi ko, paano ko ito gagawin dahil mayroon akong ‘Tubig at Langis’ tapos siyempre, gusto ko ring makasama ang pamilya ko lalo na si Amara at si Ali. So far, thank God, sobrang ganda ng sistema nina direk Mark Meily sa set at 9:00 minsan, tapos na kami. So, nagkaroon ako ng time pa rin to be with my family. And then the next day, taping, and then after diretso ako shooting,”bulalas ni Cristine.

Ayaw na ring magsalita ni AA (tawag kay Cristine) sa naging isyu sa kanila ni Vivian Velez.

Ang masasabi lang dito ni Cristine, ”as much as possible, hindi natin maiiwasan na ang mga tao ay maghuhukay ng past. Pero for me, hindi ko na ‘yun kontrolado. So, kung may masasabi silang hindi maganda about me, I guess it’s part of my job because artista kami, talagang minsan, may mga ganoon talagang tao, ‘di ba? Even Hollywood, ‘di ba? Kahit hindi naman nila kilala ‘yung  celebrities in real life, they would judge. So, I guess, inisip ko na lang part of the job ‘to,” aniya pa.

Paano kung magkita sila o magkasalubong ni Vivian na hindi inaasahan?

“Ewan ko, iiwas na lang siguro,” sey niya.

Payag ba siyang makatrabaho ulit si VV?

“I guess, tubig at langis tayo. Nasaktan po ako,” honest niyang sagot.

Anyway, showing na sa April 6 ang Elemento na kakaibang kuwento naman ang tina-tackle dahil tungkol ito sa kuwento ng Tambal na gumagaya sa hitsura ng isang tao.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *