Friday , April 26 2024

Poe buking (SS number ng patay ginamit sa US)

030316 FRONTNABUKING ang panloloko ng presidential candidate na si Senadora Grace Poe nang mapag-alaman  na siya ay gumamit  ng Social Security (SS) number na pagmamay-ari ng isang taong patay habang siya  ay naninirahan at nagtatrabaho noon sa Amerika.

Isang federal crime sa Estados Unidos ang paggamit  ng SS number ng ibang tao at maaaring makasuhan ang gumawa nito ng identity theft at identity fraud na may karampatang parusang pagkakakulong.

Sa mga dokumentong nakalap ng pahayagang Daily Tribune, ginamit ni Grace Poe Llamanzares ang SS number 005-03-1988 na pagmamay-ari ng isang taong “deceased” o patay na. Ang SS number ay ginamit noon pang 1934 hanggang 1951.

Ang pekeng SSN ay ginamit umano ni Poe noong 1999 nang siya ay nakatalang naninirahan sa Fairfax County, Merrifield;  129 Kingsley Road,  Vienna; at Sunset Hills Road, Reston.

Ang nasabing mga address ay nasa state of Virginia. Ginamit ulit umano ni Poe ang SSN noong 2006 nang siya ay nakatira sa Loudon County sa Virginia. 

Ang isa pang SS number na nakapangalan sa isang  Grace Poe Lllamanzares na nakatala sa dokumentong nakalap ng Tribune ay SSN 538-25-2008 na inisyu ng US government noong 1992.

Ito umnao marahil ay totoong SSN ni Poe, na ipinanganak noong Setyember 3, 1968 at ikinasal kay Neil Llamanzares noong 1991.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakitaan si Poe ng mga iregularidad sa kanyang mga papeles. Sa disqualification case laban sa kanya sa Senate Electoral Tribunal, dalawa ang isinumiteng birth certificate ni Poe.

Ang papeles ng pag-aampon sa kanya nina Fernando Poe, Jr., at Susan Roces ay nakitang  inaprubahan ng isang municipal judge na hindi naman pala saklaw ang pagpapasya sa mga adoption cases.

Sa kanyang certificate of candidacy (CoC) sa pagkasenador, isinulat ni Poe na siya ay nanirahan sa bansa ng “six years and six months, na ang ibig sabihin ay simula lang noong 2006.

Pero sa CoC sa pagka-Pangulo, ang isinulat niya ay 10 years and 11 months, ibig sabihin ay simula noong 2006, na hindi nagtutugma sa una niyang pahayag sa CoC nang siya ay tumakbong senador.

Ang pagamit umano ni Poe ng nakaw na dokumento ay nagpapatunay, sabi ng source, na mayroong kasaysayan ang senadora ng panlilinlang na nakababahala lalo’t siya’y tumatakbo bilang pangulo. 

“Kung kaya niyang lokohin ang Amerika noon hanggang ngayon  paano pa kaya tayong mga Filipino kapag inihalal siyang Pangulo,” sabi ng source.

About Hataw News Team

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *