Friday , April 26 2024

Galing ni Julia, muling kinilala ng Gawad Tanglaw

00 fact sheet reggeeDALAWANG beses ng nakatanggap ng best actress award si Julia Montes mula sa Gawad Tanglaw Awards 2016 para sa papel niyang kambal sa Doble Kara na napapanood sa Kapamilya Gold.

Sabi ni Julia, “isa pong karangalan na nabigyan po uli ng pagkilala ng Gawad Tanglaw. Taos-puso po akong nagpapasalamat at masaya na na-appreciate nila ang pagganap ko sa kambal.”

022916 julia MontesNaunang nanalo ang aktres bilang best actress sa seryeng Ikaw Lamang sa parehong award giving body.

Sabi nga ni Julia, “marami pang pagsubok at salpukan ang dapat abangan sa buhay ng kambal at lahat ng karakter ng show na siguradong kakapitan ng mga manonood.”

Nagpapasalamat din si Julia dahil sa patuloy na pagtutok ng mga manonood sa kanyang serye, kaya naman nananatili itong numero uno sa timeslot nito sa hapon.

Samantala, base sa nakaraang datos ng Kantar Media, nakakuha ang Doble Kara ng national TV rating na 17.2% noong Martes (Feb 23) at mas mataas sa nakuha ng kalabang programang Wish I May ng GMA na nagtala lang ng 10.7%.

Sa pagpapatuloy ng mas umiinit na kuwento ng Doble Kara ay hindi hinayaan ni Lucille (Carmina Villaroel) na masira ang kanyang mga plano ng paghihiganti at nakipagbangayan kay Laura (Mylene Dizon) upang mabawi rito si Kara. Ngunit hindi na magpapaloko pa si Kara at handa niyang harapin ang lahat ng pagpapahirap na ibabato sa kanila ni Lucille.

Huwag palampasin ang kuwento na magpapadama ng tunay na pagmamahal, Doble Kara, Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN Kapamilya Gold.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *