Saturday , April 27 2024

Michael Pangilinan, inamin ang sex video scandal!

WALANG paligoy-ligoy na i-namin ni Michael Pangilinan na siya ang nasa kumakalat na sex video sa social media. Makikita sa video si Michael na may ginagawang maselang bagay sa kanyang sarili. Ang babae raw na ka-Skype niya ay isang Fil-Am.

“Simple lang po ang sasabihin ko, hindi ko naman po itinatanggi na ako ang nasa video. Totoo po na ako iyon,” pahayag ni Michael.

Pero nilinaw din ni Michael na nangyari ang naturang insidente three or four years ago nang siya ay 16 or 17 years old pa lamang.

“Totoo na ako iyong nasa video, pero that was a long, long time ago. Bata pa ako noon, iyon yung mga panahon na gago pa ako. Totoo iyon, kasi, ang lahat ng tao ay nagbabago, hindi mo lang alam kung kailan.

“Pero ngayon ay mas kabisado ko na ang sarili ko, kasi, may isa na akong buhay na binubuhay. Mas nare-realize ko ngayon lahat ng mga nangyayari, lahat ng mga tama at mali ay naiko-compare ko.

“So, aminado ako na nangyari iyon, pero iyon yung panahon na nagloloko pa ako. Mabuti na lang at hindi ako napunta sa pag-a-addict… mas mahirap naman kung may lalaki akong kasama roon, mas malala iyon,” mahabang esplika niya.

Pinasalamatan din ni Michael ang kanyang fans na hindi bumibitaw sa kanya at nauunawaan ang kanyang sitwasyon. “So, kung pagpipiyestahan nila ang video ay okay lang iyon. Pero may mga fans talaga na hindi umalis sa tabi ko kahit na ano ang nangyari.

“Tumatawag sila, nagme-message, nagte-text. Na may message sila sa akin na, ‘Huwag kang mag-alala, nandito lang kami.’ Sa mga fans, sobrang… gusto ko lang sabihin sa kanila, sana ay hindi sila magbago. Iyong iba umiiyak pa, sobrang nata-touch ako, kasi hindi naman nila ako kaano-ano. Minamahal lang nila siguro ako dahil sa talent ko at kasiyahang nabibigay sa kanila. Iyong mga ganoong fans ang masasabi ko na hindi nila tinitignan kung ano ang mali sa iyo.

“Parang exam sa one to ten na nagkamali ka ng isa, ang una mong papansinin ay kung ano ang mali mo, e. Sila ay hindi, ang una nilang pinapansin ay kung ano iyong mas magandang nagawa mo. Kaya sobrang thankful ako sa fans.”

Itinanggi naman niyang inilabas ang video bilang publicity sa pelikula nila ni Edgar Allan Guzman na Pare, Mahal Mo Raw ako na malapit nang ipalabas.

“Kung ganoon lang din, sabi ko, ‘E ‘di sana ay isinama ko na lang sa movie.’ Hindi ba?” natatawang wika pa niya.

Sinabi pa ni Michael na alam niya kung sino ang naglabas ng video. “Alam ko kung sino ang naglabas, pero hindi ko na siya kinausap. Kasi lalo siyang mag-iingay. Hindi ko siya ex, basta taga-ibang bansa siya.”

Ipinahayag pa ni Michael ang pinakamagandang nangyari sa kanya ukol sa insidenteng ito. “Ang pinakamaganda lang sa nangyari sa akin, ang family ko, friends ko, manager ko, fans ko, kayo (press) po, thankful ako na nandiyan kayo to support me. Kasi kung wala kayo, saan ako magsasalita? Kung hindi ko kayo mahal at hindi ninyo ako mahal, saan ako magsasabi ng saloobin ko?

“Kaya thankful ako kay God, kasi alam kong kahit na my problemang dumarating, kahit ganito iyong nangyayari sa akin, nandiyan kayo to support me, to guide me, para mas maging madali ang buhay,” aniya pa.

Ang pag-amin ay ginawa ng talented na singer sa pocket presscon para sa M & M #pumapagibig concert nila ni Marion Aunor sa Baliwag Grill and Restaurant.

Ito ay prodyus ng The Entertainment Arts & Media (TEAM). Gaganapin ang concert nina Michael at Marion sa Zirkoh, Tomas Morato sa March 6. Kabilang sa guests ang talented crooner na si Gerald Santos, Star Magic member Ah-ron Villena, actor-singer Zyrus Imperial, at Eat Bulaga’s Spogify winner Mavi Lozano.

Kasama rin dito sina Pauline Cueto, Alyssa Angeles, Erika Mae Angeles, Sarah Ortega, Kikay & Mikay, Josh Yape, Maria Elena Tan, Glaiza Micua at Alex Datu. Ang musical extravaganza na ito ay mula sa direksiyon ni Throy Catan.

Ang M & M #pumapagibig ay isang benefit show para Bahay Aruga na tumutulong sa pediatric cancer patients at matatagpuan sa Ermita, Manila. Kabilang sa major sponsors ang Golden Legacy Jobmovers Corporation, Above Aesthe-tics at Kikay & Mikay. Minor sponsors include Fernando’s Bakery, Mega C, I Love My Sisters (Megasoft), Africa’s Catering, at Atty. Ferdie Topacio.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *