Saturday , April 27 2024

Inaway ni misis mister nagbigti

NAGBIGTI ang isang 35-anyos lalaki makaraang makipag-away sa kanyang misis kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Natagpuang nakabigti dakong 6:30 p.m. sa loob ng kanilang palikuran ang biktimang kinilalang si Ronaldo Lingat, residente ng Block 2, Lot 13, Bantay Bayan, Dulong Bautista, Brgy. Panghulo ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, gagamit sana ng palikuran ang stepson ng biktima na si Sam Federico ngunit hindi ito mabuksan.

Bunsod nito, puwersahan nilang binuksan ang palikuran at pagkaraan ay tumambad sa kanila ang nakabigting bangkay ng biktima.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

About Rommel Sales

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *