Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Kelot tumalsik mula sa truck, napilayan lang (Parang rocket)

Kelot tumalsik mula sa truck, napilayan lang (Parang rocket)

012616 Man Shoots Out truck
NAKUHAAN ng dashcam ng dramatic video ang isang lalaking tumalsik na parang rocket mula sa sumisirkong truck sa kahindik-hindik na single-car crash sa Brazil.

Ang higit na nakamamangha, siya ay nabuhay makaraan ang insidente.

Sa video shot na kuha sa southern Goiás state, makikita ang nawala sa kontrol na sasakyan na sumisirko sa kalsada habang nagtatalsikan ang debris at pagkaraan ay tumalsik mula sa bintana nito ang isang lalaki.

Ngunit masuwerteng napilayan lamang sa paa ang lalaki, ayon sa ulat ng Daily Star.

Ang kanyang driver na makikitang mabilis na lumabas mula sa nawasak na sasakyan patungo sa tumalsik na pasahero, ay isinailalim sa breath test at nadeterminang siya ay uminom ng alak bago ang aksidente.

Gayonman, nabatid na hindi siya umabot sa illegal limit.

(THE HUFFINGTON POST)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved