Wednesday , May 8 2024

Liza Soberano pasok bilang top 6 Most Beautiful Faces of 2015; Coco namahagi ng blessings sa mga taga-Tayuman, Tondo

011116 Liza soberano
VERY proud si Enrique Gil, sa kalabtim na si Liza Soberano na kabilang sa Top 100 “Most Beautiful Face of 2015” ng popular website na TCCandler.com.

Nasa pang-anim na puwesto si Liza, ang magandang Kapamilya aktres sa hanay ng famous Hollywood stars na sina Chloe Grace Moretz na bumida sa (500) Days of Summer, French Actress singer songwriter Marion Cotillard at lead actress ng Game of Thrones na si Emilia Clarke.

Nasa No. 1 spot ang Korean singer na si Nana. Isang malaking karangalan para sa industriya at sa ating bansa ang pagpili kay Liza. Ibig sabihin pagdating sa kagandahan ay hindi patatalo ang mga Pinay.

Samantala maganda ang feedback ng fans sa bagong teleserye nina Liza at Enrique na “Dolce Amore,” soon ay mapapanood sa ABS-CBN Primetime Bida.

Kakaiba ito sa mga nagawang serye ng LizQuen dahil parehong matured roles ang gagampanan ng nasabing love team.

Ang Dolce Amore ay mula pa rin sa Star Creatives na naghatid sa inyo ng mga tinangkilik niyong dekalidad na teleserye tulad ng The Legal Wife, Got To Believe, Forevermore at ongoing series na Pangako Sa ‘Yo at You’re My Home.

This will be another hit gyud!

COCO NAG-SHARE NG BLESSINGS

Kabilang sa sumama sa prusisyon na dinaluhan ng halos 1.5 milyong mga deboto ng Poong Nazareno si Coco Martin.

Kasabay nito, namahagi ang ‘Idol ng Masa’ na si Coco Martin ng blessings sa maraming bilang ng Kapamilya sa Dagupan Extension ng Tayuman street., sa Tondo, Maynila.

Personal na dinala ni Coco ang kanyang mga regalo na bahagi ng kanyang thanksgiving ngayong taon sa mga tagumpay na tinatamasa hanggang ngayon.

Mga pagkain ang ipinamahagi ni Coco at ng mga staff ng Dreamscape Entertainment na labis na ikinatuwa at ipinagpasalamat ng lahat. Eversince ay goal na talaga ni Coco ang tumulong at i-share ang kanyang biyayang natatanggap mula sa Itaas kaya naman super blessed rin ang actor ng ating mahal na Panginoon sa kanyang career at personal na buhay.

‘Yung kanyang action-drama serye na “FPJ’s Ang Probinsyano,” dahil sa taas ng ratings at consistent na number one sa mga napanonood na shows sa ABS-CBN Primetime Bida ay extended hanggang Hulyo 2016.

Abangan ang paglabas ni Paloma sa seryeng ito na punong-puno ng drama, komedya, at aksiyon. Mapapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol.

Guwapo at tisoy rin

JAKE EJERCITO PUWEDENG ITAMBAL KAY YAYA DUB SA ALDUB KALYSERYE

Kung hindi lang mag-aaral sa Singapore, para mag-master ang eldest son nina Manila Mayor Joseph Estrada at dating aktres na si Laarni Enriquez ay puwedeng pamalit kapag wala si Alden Richards sa ALDUB Kalyeserye nila ni Yaya Dub sa Eat Bulaga.

Tulad kasi ni Alden ay guwapo at tisoy rin si Jake at kayang-kaya rin mag-dubsmash at sumayaw. Katunayan nagbigay ng sampol ang binata sa guesting niya nitong Sabado sa sikat na noontime serye.

Sinabayan nito ang awiting Just Once at sumabay rin sa pagkanta at pagsayaw ng Macho Gwapito sa tatlong lolas na sina Nidora, Tidora at Tinidora. Bago pa sumalang si Jake ay naging pahulaan na siya sa mga Dabarkads at marami talaga ang nag-abang na makita siya lalo’t madalas sabihin ni Yaya Dub sa kalyeserye na close siya sa lalaking ito.

Akala ng mga manonood ‘yung beking Jake na unang bumungad ang tinutukoy ni Yaya Dub, ‘yun pala ang binata ni Erap ang guy na sinasabi sa palabas. Ngayong tanghali pagkatapos ng kanyang matagumpay na concert sa Dubai at Qatar ay balik Eat Bulaga na si Alden.

Ano kaya ang gagawin ng Pambansang Bae, para makabawi sa inspirasyong si Maine, na may tampo sa kanya dahil hindi tinupad na tatawagan niya sa video call.

Siguradong riot at kilig-kiligan na naman ang episode na ito gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Claudine Barretto Daiana Menezes

Bahay ng magulang ni Claudine ninakawan, ina muntik ma-ER

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HALOS nalimas ang mga naggagandahang appliances na bago pa at …

Diwata Pares Rosmar

Diwata naiyak sa bahay, P1-M bigay ni Rosmar

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAIYAK at napababa ng closed van si Diwata nang iabot …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven ginu-groom ng Viva para maging dramatic actress

HARD TALKni Pilar Mateo SUPER ang suporta ng MarVen sa tambalang Marco Gallo at Heaven Peralejo.  Na ipinadama sa mga …

FranSeth Francine Diaz Seth Fedelin

FranSeth wala pang dating, imposibleng mapalitan ang KathNiel

HATAWANni Ed de Leon NAKU ewan ko ba, iyon naman daw FranSeth ang siyang papalit sa KathNiel. Bakit …

Alden Richards Richard Faulkerson

Tatay ni Alden nagpa-SOS sa NBI; Blogger na naninira hahantigin

HATAWANni Ed de Leon NAGBIGAY na rin ng warning ang ama ni Alden Richards dahil sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *