Thursday , May 2 2024

Pia, makadalo kaya sa kasalang Vic-Pauleen? Wedding entourage inihayag na

010816 pauleen vic pia
NAGLABAS na sina Vic Sotto at Pauleen Luna ng listahan ng kanilang wedding entourage. Kinapapalooban ito ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Ang mga Principal Sponsor ay kinabibilangan nina Senator Vicente “Tito” Sotto III at Carmencita Garcia; Tony Tuviera at asawa nitong si Madeleine Tuviera; Joey de Leon at Dr. Salvacion Gatchalian.

Matron of Honor naman si Ruby Rodriguez at ang Maid of Honor ay si Franchesca Que, Best Man si Vico Sotto, anak ni Vic kay Coney Reyes. Ang mga Groomsmen ay sina magkapatid na Val at Maru Sotto, Anjo Yllana, Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

Isa sa Bridesmaids ng ikakasal ang bestfriend at Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach kasama sina Anne Margaret Luna, Leah Camille Agcaoili, at Mara Isabel Sotto.

Secondary sponsors sina Danica Sotto at Marc Pingris (veil); Oyo Sotto at Kristine Hermosa (cord) at Flower Girls naman sina Ryzza Mae Dizon, Anielle Micaela Pingris, at Ondrea Bliss Sotto. Ring Bearer si Jean Michel Pingris, Coin Bearer si Kristian Daniel Sotto, Bible Bearer, si Alessandro Jose Sotto, at Rosary Bearer si Marciano Dominico Antonio.

Si Francis Libiran naman ang magdidisenyo o gagawa ng wedding gown ni Pauleen.

Kapansin-pansin lang na pawang mas marami yata ang pamilya Sotto na bumubuo sa entourage.

May mga nagtatanong naman kung makadadalo kaya sa kasalang ito ang kaibigan ni Pauleen na si Pia na uuwi ng bansa sa Enero 23?

About hataw tabloid

Check Also

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Julia Barretto

Julia Barretto hinangaan, nagustuhan ng mga Indonesian

HATAWANni Ed de Leon NAKATUTUWA naman ang nabalitaan namin na tuwang-tuwa raw ang fans kay Julia …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Andrea Brillantes

Daniel ‘di pa man santo marami ng ‘milagro’

HATAWANni Ed de Leon ANG maliwanag lang sa lahat, nagka-split lang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang umamin …

Dave Almarinez Ara Mina

Dave suportado showbiz career ng asawang si Ara; naglunsad ng bagong ride-hailing app

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SUPORTADO ni Dave Almarinez ang showbiz career ng kanyang asawang si Ara Mina. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *