Friday , April 26 2024

Paulo Avelino, palalakasin at payayanigin pa ang OTWOL

112515 paulo avelino jadine
SA susunod na linggo na mapapanood ang karakter ni Paulo Avelino bilang si Simon Esguerra sa seryeng On The Wings Of Love bilang boss ni Nadine Lustresa ad agency na pinapasukan nito.

Bata at guwapo si Paulo kaya naman halos lahat ng empleado sa opisina ay nagpakita ng paghanga with matching kilig pa sa kanya maliban kay Leah (Nadine) na tila hindi man lang napansin ang hitsura niya.

Kaya naman si Leah kaagad ang napansin ni Paulo dahil dineadma ang kaguwapuhan niya.

Obviously, si Paulo ang magiging third wheel kina Leah at Clark (James Reid) kaya sa ginanap na solo presscon ng aktor kahapon ay tinanong siya kung gaano kakilala ni Pau sina James at Nadine.

“Well, the tandem, pretty well known kasi they were all over social media na laging nagti-trend sa twitter, not just them as love team but also because of the show na laging nagti-trend. I’m happy that I’m part of the show,” pahayag ni Paulo.

Ano naman ang pakiramdam ng aktor na papasok siya sa super sikat na serye at sikat na love team.

“As we all know, I’m coming on half way (serye) kaya late na ako papasok and it’s an honor to be considered na masama sa teleseryeng ito lalo na sa alam naman nating hit ang ‘On The Wings Of Love’ and working with the love team, I’m pretty excited and na-excite ako sa maibibigay ko sa show. Hindi totally manggulo pero mayanig at palakasin lalo ang ‘On TheWing Of Love’,” katwiran ng aktor.

Handa na bang ma-bash si Paulo dahil alam naman niyang solid ang Otwolistas kina Clark at Leah.

“Hindi naman maiiwasan ‘yun dahil minsan nadadala talaga tayo sa mga nakikita natin sa characters sa TV lalo kapag may napapanood kang sumisingit (loveteam), ‘yung tingin mong threat.

“Abangan na lang natin kung (threat) ako, well ma-threat sina Leah at Clark bilang magkaibigan, hindi naman ako nandoon para sirain ‘yung pagkakaibigan nila. Pero regarding sa show, siyempre I’ll becoming a threat,” paliwanag ng aktor.

Malapit ba ang papel na Simon sa tunay na buhay ni Paulo na maraming babae ang nagkakagusto at nagpapantasya sa kanya.

“Sa totoong buhay, hindi po (sabay tawa ng aktor), pero for the show, it’s required for the character ko. In advertising naman, medyo malapit sa puso ko na gagawa ka ng trabaho na kailangang maging creative ka,” say ni Paulo.

Samantala, nakapag-taping na raw si Paulo pero iilang eksena palang kaya hindi pa masyadong nagkuwento ang aktor.

Advertising executive ang papel ni Pauloc (well-known sa industry) at inamin niyang nagtanong-tanong siya sa mga kaibigan niyang taga-ahensiya kaya may knowledge siya sa gagampanan niyang papel sa OTWOL.

“Marami po akong friends from advertising, like my handler is also from advertising kumbaga, I based my character on what I see and what I hear, I just keep asking questions like ‘yung mga term nila, how are they in the office, late back, how is it when they present and when they create ideas,” pagkukuwento ni Paulo tungkol sa karakter niya.

At dahil Inglesero si James sa OTWOL kaya natanong din si Paulo kung pareho sila ng lengguwahe.

“Hindi naman po, nagta-tagalog din naman ako, pero kapag nagpe-present ka ay may mga kliyenteng hindi Filipino kailangang magsalita ka ng language that everyone has to understand,” say ng aktor.

Hypothetical question kay Paulo na kung sakaling girlfriend niya si Nadine ay ano ang ibibigay niyang regalo sa Pasko.

“Nadine and James are pretty creative so siguro I would give Nadine a really nice camera kasi napansin ko mahilig din siya (magkukuha) based on her posts sa social media and how she is being acknowledge by a lot of people for her creativity,” say ng aktor.

At sa tanong kung tipo ba ni Nadine ang posibleng magustuhan ni Paulo, ”I appreciate Nadine, morena, siguro po friends muna.”

Kaya sa mga Otwolista, tiyak na may bago kayong mamahalin sa On The Wings Of Love.

ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *