Saturday , April 27 2024

Ysabel, grateful sa pagkakasama sa OTWOL kahit dagsa ang bashers

111715 YSABEL Ortega

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Ysabel Ortega na malaking oportunidad ang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN sa pamamagitan ng Dreamscape Entertainment nang masama sa On The Wings of Love. Kaya kahit maraming JaDine fans ang galit sa kanya, hindi niya pinagsisisihang masali sa OTWOL.

“Napaka-grateful ko po na binigyan ako ng opportunity ng ABS-CBN. Napakaganda po talaga ng ibinigay sa akin na chance to work with JaDine at sobra po akong natutuwa,” ani Ysabel nang makausap namin ito noong Sabado sa Baang-Baang Coffee Shop.

At dahil siya ang third wheel sa JaDine, hindi maiwasang ma-bash siya ng mga ito.

“Bina-bash po nila ‘yung karakter ko, si Angela. Sinasabi po nila na maarte ‘yung karakter ko, masyadong flirty at kikay. Wala pa naman pong masyadong ginagawa ‘yung karakter ko pero nate-threaten na sila. Tapos ayaw na ayaw po nila ‘yung tingin kay Clark kasi ang lagkit-lagkit daw.

“Pero kahit naman po may namba-bash na direkta sa akin, siyempre naiintindihan ko naman po ‘yon kasi ganoon talaga ‘yung role na pinasok ko,” sambit pa ni Ysabel.

Ani Ysabel, iniintindi na lang daw niya ang fans ng JaDine sa ginagawang pamba-bash sa kanya “Ang role ko po is third party kaya hindi po maiiwasang magalit sa akin ang fans. At least, nakikita ko po na effective ‘yung acting ko as a third party.”

At ang pinakamatinding pamba-bash na natanggap ni Ysabel, ay “Sinabi po nila na tutusukin daw po nila ‘yung mata ko. Yung iba, aabangan daw ako sa labas ng Tenement,” kuwento pa niya pero iginiit na hindi naman siya natatakot sa banta ng fans.

“Kasi po it’s just a show, wala naman pong personalan, ‘di ba po? Tapos ‘yung iba po, sinasabi naman nila na si Angela lang dapat ‘yung i-hate nila at huwag si Ysabel. May iba rin po na idini-defend pa ako kapag may nagsasabi ng masama sa akin. Very nice po sila.”

Actually, ayaw pala talaga ng kanyang daddy Lito na mag-artista siya. “Noong una ayaw ng dad ko na mag-artista ako gusto niya studies muna ang focus ko. Pero noong tumanda ako, hindi na talaga nila ako napigilan. Pero ‘yung mommy ko po super supportive sa akin.

“Sinabi ko talaga sa kanila na gustong gusto kong maging artista at pagbubutihin ko pa rin ang pag-aaral ko kahit nasa showbiz ako,” sambit pa ni Ysabel na 4th year high school sa kasalukuyan at gagradweyt na next year. At ipagpapatuloy pa rin daw niya ang pagkokolehiyo kahit nag-aartista na siya.

Suwerte nga siguro si Ysabel na masama agad sa OTWOL considering na ito ang first ever project niya. Ni wala nga raw siyang nagawang commercial o lumabas na siya before sa anumang show.

“Honestly po, noong nag-start ako, from scratch talaga. Nagpunta pa po ako sa workshop ni Tito Ogie (Diaz, manager niya).”

Dinala ni Ogie si Ysabel sa Dreamscape at pinag-audition para sa nasabing role at aminado si Ysabel na hindi niya akalaing makukuha siya. “Nalaglag nga po ako sa upuan nang sabihin na nakuha ako. Sobrang grateful. No words can describe po talaga. Ganoon din po ang naging reaction ng mommy ko. Natuwa po siya na lahat ng dreams ko unti-unting natutupad na.”

Bale pa, ang unang scene na ginawa ni Ysabel ay ‘yung eksenang lasing-lasingan na nahirapan daw siya dahil hindi naman siya umiinom. “I had no idea po on how to look lasing,” anang dalagita.

“Hindi po ako umiinom kaya talagang natakot po ako kung paano ko ‘yon gagawin. So, nagtanong-tanong po ako sa mga friend ko, tinatanong ko po sila kung paano ba maging lasing? In-explain naman nila sa akin. Pati po si Kuya James, binigyan po niya ako ng idea kung paano maging lasengera.”

Hindi naman itinanggi ni Ysabel na fan siya ni James kahit noong nasa PBB pa ito. Pero dahil 16 years pa lamang siya, hindi muna niya ini-entertain ang ganoon.

“’Yung focus ko po ngayon talaga is ‘yung career  ko eh. Siyempre po, nagsisimula pa lang ako kaya roon po talaga ang focus ko—family and career,” ani pa ni Ysabel.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *