Friday , April 26 2024

Eat Bulaga at It’s Showtime, ‘di na dapat pagsabungin

103015 aldub 2
MAY collective concession ang buong produksiyon—most specially the hosts led by Vice Ganda—ng It’s Showtime that yes, talong-talo na sila ng katapat nitong programa na Eat Bulaga.

Sa kainitan ng pagsasahimpapawid ng EB sa ginanap na Tamang Panahon concert nitong October 24 sa Philippine Arena, there was Vice Ganda sa kabilang programa na buong mapagkumbababang inamin on air na wala silang panama sa rival show.

It’s a fact na ultimong mga host ng IS ay tanggap, kaya bakit pa raw ba kailangang pagsabungin ang dalawang programa ng mga netizen?

Ani Vice, at the end of the day ay ang mga manonood ang nakikinabang sa raging competition ng EB at IS. Kaya panawagan ng binansagang Unkaboggable Star: itigil na ang pambaba-bash on social media.

Let’s face it, panahon ng EB ngayon, thanks to the sustained success of the AlDub loveteam that has swept the nation and beyond.

But take it from there, hindi naman nagpapakakampante ang IS para hindi gumawa ng paraan kung paanong kagigiliwan din ng audience ang kanilang ipinalalabas, Mondays to Saturdays.

As we always say, weder-weder lang ‘yan. For now, it’s AlDub’s time to shine at its brightest. Pasasaan ba’t panahon din ang makapagsasabi when the phenomenal loveteam’s time is up?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *