Friday , April 26 2024

Nora Aunor nag-request na h’wag siyang itratong superstar ng staff ng kinabibilangang teleserye sa GMA

052115 nora aunor
NAKAILANG taping, na si Nora Aunor para sa kauna-unahang teleserye sa GMA7 na “Little Mommy,” na pinagbibidahan ni Kris Bernal.

Balita namin ay laging on time daw si Ate Guy sa set at ganado sa kanyang trabaho dahil gusto niya ang proyekto. Lalo pang humanga sa mahusay na aktres ang production staff ng serye nang sabihan sila na huwag siyang tratuhing superstar kundi co-star lang ng bidang si Kris.

For sure dahil sa magandang ipinakita ni Ate Guy, ay magtutuloy-tuloy ang paggawa niya ng proyekto sa Kapuso network lalo’t sa ganda ng takbo ng istorya at mga bigating kasama tulad ni Eddie “Manoy” Garcia ay malaki ang potential na mag-rate ang soap nila na mapapanood na soon sa GMA Telebabad.

Isa pang good news para sa lahat ng Noranians ang planong pagre-revive ng kanilang idolo ng NV Productions at gagawa siya ng weekly drama series tulad ng Makulay na Daigdig Ni Nora na popular na programa ng superstar noong dekada ‘80 at sa Siete rin daw ito mapapanood.

This is victory to all Noranians gyud!

Certified Phenomenal at 40% plus ang rating gabi-gabi!
PAGKAKAIBIGANG CARDO AT ONYOK SA “ANG PROBINSYANO” HIT NA HIT SA MASA, TINAWAG NA CARYOK!

101915 coco onyok
BUKOD sa magandang pagkakatahi ng kwento at mahusay na pagganap ng mga bida, isa sa mga tinutukan ngayon sa certified phenomenal serye na FPJ’s “Ang Probinsyano,” ang karakter na Onyok, na ginagampanan ng baguhang child actor na si  Simon Pineda.

Si Onyok ang batang aeta na kaibigan ni Cardo (played by Coco Martin) noong nasa Zambales pa siya. Maganda ang naging pagkakaibigan nina Cardo at Onyok. Hanggang kailangan nang gawin ni Cardo ang misyon na maging Ador, ang kanyang kakambal na pinatay ni Joaquin (played by Arjo Atayde).

Kinailangang iwanan ni Cardo si Onyok at gawin ang misyon sa Maynila. Sa takbo ng kwento, lumuwas ng Maynila si Onyok para hanapin ang kanyang Kuya Cardo. Matindi ang pinagdaanan ni Onyok sa paghahanap sa kanyang Kuya Cardo, na ngayon ay naka-disguise na bilang Ador.

Kasama ang ilang bata sa kalye, kinukupkop ngayon si Onyok ang isang malaking sindikato na dumudukot sa mga bata. Kung magkita man sila, kilalanin kaya ni Cardo si Onyok na ngayon ay kailangang panindigan ang pagiging Ador, kasama ang pamilya niyang sina Lola Flor, Carmen at Junior?

Patindi nang patindi ang mga eksena sa number one at pinag-uusapang teleseryeng Ang Probinsyano na mapanonood weeknights sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng TV Patrol.

“PSY” cast tuloy ang pasasalamat sa fans sa California
DANIEL AT KATHRYN TULUYAN NA BANG BIBITAWAN ANG “PANGAKO” SA ISA’T ISA?

100715 kathniel Daniel Kathryn

Hanggang kailan magsasakripisyo at kayang tiisin ng mga karakter nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang pag-ibig para sa isa’t isa sa kanilang top-rating primetime series na “Pangako Sa ‘Yo?” Sa mas tumitindi pang takbo ng kwento, tuluyan na ngang nagdesisyon si Yna (Kathryn) na layuan na si Angelo (Daniel) matapos maaksidente ang dating kasintahan.

Ngunit sa kanyang pilit na paglimot sa buhay sa Punta Verde, hindi magiging madali para kay Yna ang magsimula nang bagong buhay sa Talisay, sa kabila ng pagsisikap ni David (Diego Loyzaga) na pasayahin siya. Matapos ang aksidente, matatagpuan ni Angelo na magkasama sina Yna at Diego, na ikagagalit niya.

Sa pag-aakalang tuluyan na siyang kinalimutan ni Yna, makahanap na kaya si Angelo nang sapat na lakas ng loob para kalimutan na rin si Yna?

Bukod pa riyan, kaabang-abang din kung ano ang kahahantungan ng tagpo sa pagitan nina Amor (Jodi Sta. Maria), Eduardo (Ian Veneracion), at Claudia (Angelica Panganiban). Aminin kaya ni Amor na mahal pa niya si Eduardo? Hanggang saan ang kayang gawin ni Claudia para hadlangan ang pagkakaibigan ng kanyang asawa at ni Amor?

Samantala, bilang patuloy na pasasalamat sa mga manonood sa gabi-gabi nilang pagsubaybay sa programa, tutungo ang cast ng “Pangako Sa ‘Yo” sa “One Kapamilya Go” sa Oakland, California, USA na gaganapin sa Oracle Arena ngayong Oktubre 25. Ito ay bahagi ng pa rin ng “Pangako Sa ‘Yo” Thanksgiving Tour na una nang nasimulan sa Biñan, Laguna.

Samantala, pinangunahan naman nina Kathryn at Daniel ang paglulunsad ng “Pangako Sa ‘Yo” Promise Wall sa Eugenio Lopez Drive sa Quezon City kahapon (Oct 20). Dinagsa ng maraming KathNiel fans ang nasabing event na ikinabit ng magka-love team ang pinirmahan nilang love lock sa nasabing Promise Wall.

Huwag palampasin ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa classic love story ng mga Filipino, “Pangako Sa ’Yo,” gabi-gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa exclusive updates, mag-log on sa Twitter.com/StarCreativesTV at Instagram.com/StarCreativesTV.

Samantala, maaari na rin panoorin ang full episodes o past episodes ng “Pangako Sa ‘Yo” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *