Friday , April 26 2024

Guro tumalon mula 25ft. tulay, ligtas (Sa Quezon Province)

NAGA CITY – Himalang nakaligtas ang isang guro makaraang tumalon mula sa 25 talampakang taas ng tulay ng Brgy. Bulakin 2, Dolores, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Diwata Bonquin, 45-anyos.

Ayon sa ulat, nabigla ang mga residente nang biglang sumampa ang nasabing guro sa tulay at walang pag-aalinlangang tumalon.

Nasugatan ang biktima nang tumama sa mga bato sa ilog makaraang tangayin ng tubig.

Agad nagtulong-tulong ang mga residente upang isalba ang guro at nang makuha ay agad isinugod sa ospital.

Sa imbestigasyon ng PNP-Dolores, napag-alamang nakararanas ng depresyon ang guro dahil sa mga problema sa kanilang pamilya.

Sa ngayon, patuloy pang ginagamot ang biktima sa ospital.

About Hataw News Team

Check Also

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, LAW BREAKERS ARESTADO, DROGA AT BARIL KOMPISKADO

NAGSAGAWA ang Bulacan police ng sunod-sunod na operasyon na nagresulta sa pagkakakompiska ng ilegal na …

gun ban

Puganteng Chinese arestado sa ilegal na pag-iingat ng baril

INARESTO ng pulisya ang isang Chinese national dahil sa kasong illegal possession of firearms sa …

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *