Saturday , April 27 2024

Kelot todas sa bus

DUROG ang ulo at katawan ng isang lalaki makaraang salpukin at magulungan ng isang bus habang tumatawid sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Danilo Nolasco, 53, ng 1427 Matatag St., Brgy. 181, Pangarap ng nasabing lungsod.

Habang kusang-loob na sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Oscar Verterra, 58, ng Phase 10-B, Block 28, Brgy. 176 Bagong Silang, Brgy. 176 ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Batay sa ulat ni SPO2 Edgar Quintos, traffic investigator, dakong 5:30 a.m. nang maganap ang insidente sa Quirino Highway, Brgy. 184, Bankers Village ng lungsod.

Binabagtas ng pampasaherong  Kamen Golden Dragon bus (UVH-587) ang nasabing lugar nang hindi mapansin ng driver ang tumatawid na si Nolasco dahilan upang matumbok at magulungan ang biktima.

About Hataw News Team

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *