Friday , April 26 2024

Puganteng Koreano Natakasan Si Mison (Wanted sa human trafficking at extortion)

BID Detention CenterLABING-WALONG araw matapos ipasa ng Cavite police sa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) ang Korean fugitive na naaresto sa Silang, Cavite noong Agosto 7 sa kasong human trafficking at robbery extortion sa Seoul Korea, tumakas ang akusado sa Bicutan detention cell kahapon.

Kinilala ang puganteng Koreano na si Cho Seong Dae, 50 anyos, tubong Suulil Gangu, Samsungded P-1, Seoul, Korea.

Inilipat si Cho sa pangangalaga ng BI, dahil itinuturing na siyang “high risk fugitive” sa kanilang bansa at nakatakdang kaunin ng Korean Embassy.

Ngunit malaking palaisipan ngayon sa pulisya at iba pang law enforcement agency sa bansa kung bakit nakatakas si Cho sa Bicutan gayong napakahigpit ng seguridad dito.

Sa ulat, nabatid na kasama pa sa head count ang nasabing Koreano noong umaga ngunit dakong 1:30 pm ay bigla na lamang naglaho.

Si Cho, pusakal na pugante sa Seoul Korea ay unang nadakip sa Silang Cavite noong Agosto 7. Kasong human trafficking at extortion ang kinakaharap ng pugante at pinaniniwalaang kasabwat ang dating pulis na si Ricky Sese, ayon sa Korean Embassy.

Sa records sa tanggapan ni Cavite Police Director S/Supt. Eliseo Cruz, isang Doyeon Lee na tubong Suulil Gangu, Samsungded P-1, Seoul, Korea, ang dinakip dahil sa kaparehong kaso.

Ngunit nang beripikahin, natuklasan na siya ang tunay na si Cho Seong Dae. Kinompirma ni Kim Dae Hee, Korean Embassy Consulate/Police Attaché, sa isinagawang koordinasyon kay Banni Pertillo, Korean Embassy personnel, na iisang tao nga ang suspek na si Doyeon Lee at Cho Seong Dae.

Bago nakatakas sa poder ng Immigration na pinamumunuan ni Commissioner Siegfred Mison, nahuli  sa  entrapment  operation ang akusado matapos tangkaing kikilan ng P5 milyon ang tatlong Korean national, na binigyan  ng mga babae.

Ngunit sa huli, gumawa ng senaryo ang grupo ni Cho, na menor-de-edad umano ang mga babae, at upang hindi makasuhan ay hinihingian ng P5 milyon ang mga biktima kasabwat umano si Sese.

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *