Saturday , April 27 2024

Smartmatic machines pinuri ni US Pres. Obama

MAGING si US President Barack Obama ay may tiwala sa Smartmatic machines.

Ito ang tahasang sinabi ni Smartmatic President Cesar Flores sa isang media forum para idepensa ang kredibilad ng mga PCOS machine.

Ayon kay Flores, maging ang boto na kanyang isinagawa gamit ang Smartmatic machines ay kompiyansa si Obama na mayroong sapat na kakayahan upang mabilang nang tama ang kanyang boto at hindi magkaroon ng dayaan ang halalan.

Maging noong 2012 gamit ang Smartmatic machines ay agad  ding pinuri ni  Obama  ang  mabilis  at  epektibong pagboto gamit ang nasabing mga makina.

“For all of you who have not yet earlier voted I just wanted everybody to see what an incredibly efficient process this was …” ani  Obama sa mga panayam. 

Ipinagtataka ni Flores kung  bakit dito lamang sa Filipinas ay talamak ang propaganda laban sa ‘automation’ gamit ang Smartmatic machines.

Tinukoy ni Flores, na ang nasabing makina rin o uri ng machines ang ginamit sa halalan sa New York, Ontario at  New Brunswick sa Canada at hindi sila nagreklamo ukol sa kabuuang sistema ng mga makina at pumasa sa lahat ng test.

Iginiit  ni Flores, kaya lamang nagkakaroon ng pagdududa at maling pananaw sa Smartmatic machines ay dahil sa paninirang ipinalalabas ng mga grupong mayroong masamang hangarin at interes.

Ipinunto ni Flores, isa sa mga tumututol sa ‘automation’ ay si dating Comelec Commissioner Augusto “Gus” Lagman.

Napuna ni Flores na ito rin ang grupo na naghain ng reklamo at tumututol sa ‘automation’ noong 2004 at 2010 laban sa Smartmatic.

Sa kasalukuyan, ang Smartmatic  ang nagbibigay ng election machines sa mga bansang katulad ng United States, Brazil, Venezuela,  United Kingdom, Netherlands,  at Filipinas.

About Niño Aclan

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *