Saturday , April 27 2024

Sanggol, ina 1 pang paslit pinatay ng ama

NAGTANGKANG magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili ang isang padre de pamilya makaraang pagsasaksakin ang kanyang asawa at apat na anak na ikinamatay ng tatlo sa kanila sa Sitio Bukid, Brgy. Riverside, San Pedro, Laguna.

Ayon kay San Pedro, Laguna Chief of Police, Supt. Cecilio Ison, kinilala ang suspek na si Ruel de Castro Maraña, 31, talunan sa sugal bago maganap nag insidente kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na si Gemmalyn Maraña, at mga anak na sina Shantal Mae, 4, at Jhoniel, 6 buwan gulang na sanggol.

Habang sugatan ang dalawa pang anak na sina Jhonuel, 3, at Janjan, 2, nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital (PGH).

Sinasabing dumating ang suspek na mainit ang ulo dahil natalo sa sugal sa isang lamayan at lalong uminit ang ulo nang salubungin ng asawa at mga anak.

About Hataw News Team

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *