Saturday , April 27 2024

Bata patay, 1 kritikal  sa landslide sa Mandaue

CEBU CITY – Patay na nang mahukay ang 13-anyos lalaki makaraang matabunan kasama ang kanyang kapatid makaraang bumagsak ang riprap sa Villa San Sebastian Subdivision sa Sitio Kalubihan, Brgy. Casili sa lungsod ng Mandaue kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Vicente Cariquitan Jr., habang isasailalim sa operasyon ang 3-anyos niyang kapatid na si Vladimir.

Bandang 9 p.m. nang magsimulang hukayin ng Mandaue City Disaster Risk Reduction Management Office, Bureau of Fire Protection at barangay rescuers ang magkapatid at bandang 2 a.m. kahapon nang sila ay matagpuan.

Ang nakakatandang kapatid ng mga biktima na si Ericson ay nasa ibang bahay at wala ang kanilang mga magulang nang maganap ang insidente.

Sinasabing namalayan na lamang nila ang pagbagsak ng riprap kaya mabilis silang tumakbo papunta sa kanilang bahay.

Kasabay nang pagbagsak ng riprap ay nahila niya ang 3-anyos kapatid na natabunan din ng lupa.

About Hataw News Team

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *