Friday , April 26 2024

Episode ng pagkikita nina Yaya Dub at Alden sa Eat Bulaga humamig ng mataas na rating at mahigit 5M tweets (Mga naninira at tumatawag ng baduy inggit lang)

082815 AlDub alden yaya

EXPECTED na ng Eat Bulaga at ng APT Entertainment ang mga maglalabasang paninira laban sa itinuturing ngayong phenomenal love team na AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub na napapanood tuwing tanghali sa No.1 #KalyeSerye sa Eat Bulaga kasama sina Lola Nidora (Wally), Jose at Paolo Ballesteros sa iba’t ibang karakter.

Siyempre dati Dubsmash Queen lang ang titulong hawak ni Yaya Dub at marami siyang kakompetensiya rito at si Alden naman although may pangalan na ang Pambansang Bae sa showbiz, ngayon ay mas lumaki pa mula nang pumutok ang loveteam nila ni Maine na bukod sa parehong sikat ang dalawa ay mas lumawak pa ang fan base nila hindi lang sa Pinas kundi sa buong mundo. Kaya ngayon ay nag-uumpisa nang maglabasan ang sari-saring black propaganda sa dalawa para sirain sila sa publiko. Hindi naman naaalarma rito ang bigwigs ng Tape Incorporated na sina Sir Tony Tuviera at Ma’am Malou Choa-Fagar na parehong eksperto pagdating sa paghawak ng mga talent sa loob ng maraming taon.

Hindi naman sa pag-aangat sa AlDub, paano nila mapapabagsak sina Alden at Yaya Dub? Noong Sabado kahit bitin ang pagkikita ng dalawa sa Broadway Studio, na kung hindi lang sana naharangan ng improvised wall ni Lola Nidora ay magho-holding hands na ang dalawa, humamig ang naturang episode ng mataas na rating at umabot sa hashtag na #ALDUBATTLEForACause na mahigit 5 million tweets ang tinanggap ng Bulaga para sa tinitingalang pares.

Sa ganda ng ayos ni Yaya Dub nang araw na ‘yun, hindi lang pabulosa ang kanyang make-up at gown. Ipinakita niyang hindi siya baduy tulad ng birada sa kanya ng ilang detractors na obyus na may inggit sa kanya at hindi natutuwa sa kasikatan ng loveteam nila ni Alden. Doon naman sa mga nagsasabing wala pang napatunayan ang AlDub at hanggang Eat Bulaga lang sila. Sa rami ng offers na dumarating sa dalawa aba’y abangan ninyo sa tamang panahon at baka mawindang kayo sa lalo pang pag-shine ng kanilang career.

Belattt na lang sa inyong mga insekyur gyud!

STARSTRUCK SEASON 6 LILIKHA NA NAMAN NG PANIBAGONG INGAY SA TELEBISYON

Mamayang hapon pa lang eere, bago mag-24 Oras ang bagong season ng Starstruck ng GMA-7 pero sangkaterbang fans na ang nagagandahan at naguguwapohang talented hopefuls na kabilang sa Top 35 ng nasabing well-loved, most admired, and most-credible original artista search on television.

Marami na ang nag-aabang na mapanood sila araw-araw at ang kani-kanilang mga pambatong contestant. Dito sa Season VI ng Starstruck ay mas lalong mag-eenjoy ang lahat dahil bukod sa Primetime King na si Dingdong Dantes at Miss World 2o13 at Season 2 Avenger na si Megan Young na tatayong host ng sikat na artista search ay isinama rin ng Kapuso ang mga sikat nilang contract stars na majority ay produkto rin ng Starstruck at kinabibilangan ito nina Starstruck Season 1 Ultimate Male Survivor Mark Herras, Season 5 Second Prince Rocco Nacino, Starstruck Kids First Prince Miguel Tanfelix, and Season 4 Ultimate Female survivor Kris Bernal. Sila ang magiging social media correspondent na magbibigay ng daily updates sa mga kaganapan tungkol sa mga challenges na ipapagawa sa 35 hopefuls. Kabilang sa council na magsisilbing judges sa show ang award-winning in-demand actress na si Jennylyn Mercado, TV Host-Comedian Joey De Leon, Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at ang host ng programa na si Dingdong. Uy sa mga nabanggit na judge ay si Regine ang naging very vocal sa pagsabing pwede siyang maging critic ng mga hopeful pero sisiguraduhin naman daw niya na hindi sasama ang loob sa kanya, pahayag ng misis ni Ogie Alcasid sa nakaraang presscon nila na ginanap sa 17 floor Executive Lounge ng GMA.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *