Friday , April 26 2024

Panaginip mo, Interpret ko: CP, pawikan sa swimming pool

00 PanaginipHi po Señor H,

Bkit kea ganun pngnip q, my nakita aq pawikan e s swiming pool un, tas dw ay my cp s 2big, bat kea ganun un? Pls pak ntrpret n dnt post my cp #, tnx!! kol me Ricardo

To Ricardo,

Ang pawikan ay nagsasaad na kailangang makipagsapalaran sa buhay upang makuha ang inaasam. Ito rin ay sumisimbolo sa perseverance, determination, at longevity. Subalit maaaring nangangahulugan din ito ng pangangailangan ng shelter at proteksiyon sa mga pagsubok ng buhay.

Hinggil naman sa napanaginipang swimming pool, ito ay nagsasaad na kailangan mong maintindihan at harapin ang iyong emosyon. Alternatively, ito’y maaaring pahiwatig ng pangangailangan ng cleansing at ng paglilinis sa nakaraan. Posible rin na ang rason kaya nakakita ng swimming pool sa iyong panaginip ay dahil sa pagnanais na makapag swimming, maaaring upang makapag-relax o makapagbakasyon. Kumbaga, ang iyong bungang-tulog na lang ang iyong naging outlet upang ang pag-asam na makapag-swimming at makatakas sa stress ng trabaho ay magkaroon ng katuparan, kahit sa iyong subconscious man lamang.

Ang cellphone sa panaginip ay nagsasaad na ikaw ay receptive sa mga bagong impormasyon. Ito ay nagre-represent din ng iyong mobility. Alternatively, ang ganitong panaginip ay posibleng nagpapakita rin ng lack of understanding. Maaaring nahihirapan kang makapasok sa isang nilalang o nahihirapan mong arukin ang takbo ng kanyang kaisipan.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Una, magandang …

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *