Saturday , April 27 2024

Derek, isinalya si Coleen sa pader, mahalikan lang

082515 Derek Coleen

00 fact sheet reggeePAGKATAPOS ng Q and A sa presscon ng Ex With Benefits ay tinanong namin si Derek Ramsay kung gaano ka-daring ang pelikula nila ni Coleen Garcia at kung mas daring pa ito kaysa No Other Woman nila ni Anne Curtis?

Dahil sa mga love scene at sexy scene nina Anne at Cristine Reyes kaya kumita nang husto ang No Other Woman sa mahigit na P300-M noong 2011 na idinirehe ni Ruel S. Bayani mula sa Viva Films at Star Cinema.

Pero mas talo pala ng Ex With Benefits ang No Other Woman in terms of love scenes dahil, “kasi ibang level ito (‘Ex With Benefits’), mayroon kaming mga bed scene noong bata (past) pa ako, may bed scenes na lasing kami, may bed scene na making love, daming wild (scenes), kasi we have a few bed scenes and scenes na pader lang ang ginagamit namin kahit na walang hubaran and sexy at intense pa rin, talagang sobra-sobra.”

Tinanong si Derek kung nagawa na niyang makipag-love scene sa pader sa ex girlfriends niya?

“(Natawa) secret, I can be very creative,” saad niya.

Bukod sa pader ay, “mayroon din sa bathtub, ‘yung bathtub it’s cute, walang kissing scene or may nangyari sa bathtub, pero ‘yung sa pader, it’s mostly kissing but really sexy, mayroon kami sa kusina, living room to the bedroom, and to the bed.”

Ano ang pagkakapareho ni Derek sa papel niya sa pelikula bilang si Adam?

“Adam, were so different in many ways but similar in I guess, one way is, hindi siya gumi-give-up sa relationship, alam n’yo naman ‘yan.

“’Pag nagmahal siya (Adam), ibinubuhos niya lahat and gives everything, makikita n’yo sa pelikulang ito how Adam loves Arky (Coleen), how he holds into that love and then, it all comes back to him in 10 years time and he doesn’t know how to act, he doesn’t know what to do except fight for that love.

“Ganoon din ako sa totoong buhay, ipaglalaban ko (love), pero kung talagang wala na, wala na, pero kung mayroon pang kaunting pag-asa, laban,” pag-amin ni Derek.

NAKIKIPAG-LIVE-IN ANG GF MODEL

032615 derek ramsay Joan Villablanca

Samantala, tinanong namin si Derek kung live-in na sila ng commercial model girlfriend niyang si Joanne Villablanca dahil nakitang magkasama sila ng umagang-umaga na hinatid ang aktor sa taping nito at ang babae pa ang nagmaneho ng sasakyan.

Napangiti ang aktor kasi totoo ang sinabi namin.

“No, we don’t live together, she has her daughter. The daughter spends time with the father, then spends time with her, so whatever we can have time together we see each other, kahit na very minimal lang ‘yung time namin.

“Sophie (daughter) is 8, we were out the other day, we watched ‘Inside Out’ together at alam niyang kami (mommy), yes of course.

“She’s beautiful, the funny thing is she looks exactly like of Angelica Panganiban, she’s cute,” pag-amin ni Derek.

Speaking of Angelica, nagkita na ba sila ng aktres simula noong naghiwalay sila?

“No, I’ve never seen her,” sagot kaagad ni Derek.

MAGIGING VISIBLE SA ABS-CBN

Sa kabilang banda, magiging visible si Derek sa ABS-CBN para sa promo ng Ex With Benefits at nagpaalam daw siya sa TV5 na kaagad naman siyang pinayagan kahit na nakakontrata siya sa loob ng tatlong taon.

At ang mga programang lalabasan ni Derek ay, “I think may plano kaming mag-promo sa ‘Bottomline’, ‘GGV’ (Gandang Gabi Vice), ‘A & A’ (Aquino and Abunda Tonight), ‘Showtime’ and it depends on schedule dahil marami rin akong ginagawa, so gaya nito, galing ako sa taping ng ‘Happy Truck Ng Bayan’ sa Caloocan.”

HINDI PA SILA NAGKIKITA NI ANGELICA

070115 Angelica Panganiban

Hindi binanggit ang Banana Split na may segment si Angelica, kaya tinanong ulit namin kung speaking terms sila ng dalaga.

“I have no problem. I can’t speak on her behalf, but I haven’t bumped into her in a long time.

“So, pinalaki ako na magbigay ng respeto. If I see her, of course, I’ll say ‘Hi.’

“If she doesn’t accept it, I’m not gonna take it as an insult.

“That’s her take on things. Sana one day, we can talk like this comfortably na and let bygones be bygones,” katwiran ng aktor.

Sabi pa ni Derek, “I wish all my exes were my friends. Ninety percent of my exes are my friends.”

Nahirapan bang mag-move on si Derek sa past girlfriends niya?

“It’s never easy to do kung mahal mo talaga ‘yung tao.

“The best way to put it, kung mahal mo talaga ang ex mo, isipin mo na lang na mas masaya siya.

“When you see that, you will feel na she’s better off without you and happier without you.

“You will be able to move on yourself and find that right person for you.

“Kung nakikita mo na may kaunting chance pa, ipaglaban mo, alam n’yo naman ‘yun.

“Pero, if you can see that she is happier with someone else or she is happier that she is set free and not in a relationship with anyone, dapat masaya ka. Dahil kung hindi, sarili mo lang ang iniisip mo,” pahayag pa ni Derek.

Mapapanood ang Ex With Benefits sa Setyembre 2 mula sa Star Cinema na idinirehe ni Gino Santos at kasama rin sina Meg Imperial, Kitkat, Carmi Martin, Nina Ricci Alagao, Jobelle Salvador, Rayver Cruz, at Tirso Cruz lll handog ng Star Cinema at Viva Films.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *